^

True Confessions

Karugtong ng Init (59)

- Ronnie M. Halos -

“ANG sakit ng nangyari ano, Kuya?”

Napatango ako.

“Nagpunta siya ng Australia para kumita at maipagamot ang ama pero wala rin palang mangyayari. Tapos nga, nagkahiwalay pa kayo. Kaya palagay ko, hindi na babalik dito yun. Wala na naman siyang babali­kan dito.”

Nakatingin ako kay Abby pero lumilipad ang isip ko. Wala na nga kayang pag-asa pa na ang kahapon na­min ay muling bumalik.

“Siguro naisip ni Mi­chelle, mabuti pa e hindi na lang siya nag-Australia. Dalawa ang nawala sa kanya — tatay niya at ikaw, Kuya.”

“Pero Abby wala ba si­yang nababanggit tungkol sa akin. Kahit ‘yung pag­kumusta lang?”

“Wala Kuya.”

“E ikaw may nababang­git ka sa kanya. Hindi mo ba nasabi na ako’y nasa Saudi Arabia.”

“Naku Kuya hindi ko basta masasabi iyon sa kanya. Siyempre nahihiya ako dahil siya ang naapi. Ang pag-uusap namin ay parang kaibigan lang at hindi kasali ang nangyari   sa inyo.”

Napabuntunghininga   ako.

“Sana nasabi mo na wala na kami nung babaing sumira sa amin. Sana ki­nuwento mo na nasa Saudi ako at maganda naman ang trabaho.”

“Ay naku Kuya, sorry. Hindi kaya ng powers ko na magkuwento o bumang­git man lang kahit kapi­ranggot ukol sa iyo.”

Naunawaan ko si Abby.

Dinampot ko ang rosas na binili ko at dinala sa kuwarto. Ipinatong ko sa mesa. Nahiga ako. Siguro nga sa Australia na talaga maninirahan si Michelle. Doon na siya mamama- lagi sa habang panahon.

Kinabukasan, ipinasya kong bumalik sa Dimasa­lang at tinungo ang bahay nina Michelle. Gusto kong makasiguro. Hindi pa rin matanggap ng loob ko na hindi na siya babalik ng Pilipinas.

Lumapit ako sa bahay. Walang nabago sa istruk­tura. Pero halatang wala nang nakatira dahil may mga damong tumubo sa gilid ng pader na malapit sa bakal na gate. Halatang walang nagwawalis dahil may mga balat ng kendi, upos ng sigarilyo na tina­ngay sa may gate. Sinilip   ko ang loob. Madilim.

Hanggang sa isang ba­bae ang nagtaka yata sa pagsilip-silip ko sa bahay.

“Wala nang nakatira di­yan, Mister. Nag-abroad na.”

“Iba na po ang may-ari?” “Hindi ako sigurado pero baka ipinagbili na nga ‘yan.”

“Ganoon po ba?”

“E sino ka ba Mister?’

“Kaibigan po.”

Iyon lang at iniwan na ako ng babae. Minsan ko pang tiningnan ang bahay at ipinasya ko nang umalis. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

KUYA

MICHELLE

NAKU KUYA

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with