Karugtong ng init (28)

LUMAPIT sa table ko si Rica. Mangilan-ngilan pa lamang ang nasa office. Napansin ko na tila prob­lemado siya. Parang puyat dahil ang mga mata ay tila babagsak.

“Buntis ako, Ross. Dalawang buwan na.”

Patay na! Natigil ang ginagawa ko sa computer. Nilingon siya. Na­ka­tayo sa likuran ko. Hindi ko alam kung ano ang sa­sabihin. Ang una kong na­isip ay si Michelle. Pagka­tapos ay ang kapatid kong si Abby. Paano pa ako ma­ka­katakas sa ganitong sitwasyon? Lalo nang hindi ako makakaalis gaya ng iniisip kong pagsa-Saudi.

“Mahahalata na ito, Ross.”

“Mamaya tayo mag-usap. Baka me makarinig.”

“Anong oras?”

“Mamayang five pag­labas natin.”

“Hindi na ako uuwi sa amin.”

“Basta mamaya tayo mag-usap.”

Umalis si Rica. Itinuloy ko ang ginagawa sa computer. Pero apektado na ako. Hindi ako makapag-isip. Putang-ina! Ano ba itong nangyari? Muli ay naisip ko si Michelle. Tiyak na iiyak si Michelle. Tiyak na isusumpa ako. Tiyak na nasira na ako.

Pasado alas-singko kami lumabas ni Rica. Wa­lang imik na sumakay ng dyipni. Balak ko ihatid sa kanila pero mas mabuting sa isang lugar na maka­pag-uusap kami. Sa isang restawran kami human­tong. Sa sulok kami para walang makarinig.

“Paano Ross? Magsa­ma na tayo. Hindi na ako uuwi sa amin.”

“Teka. Rica huwag kang mataranta.”

“Basta hindi na ako hi­hiwalay sa’yo. Kahit hindi muna tayo makasal okey lang basta magsama lang tayo.”

Hindi ako makapag­pasya. Si Michelle ang na­iisip ko ng oras na iyon.

Gabi na nang luma­bas kami sa restoran. Sumama na sa akin si Rica pag-uwi sa bahay. Ayaw na akong hiwa­layan. Tiyak, malaking gulo ito kapag nalaman ni Abby.

(Itutuloy)

Show comments