^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (47)

- Ronnie M. Halos -

SA isang restaurant sa bagong bukas na mall sa EDSA kami nagpunta para kumain. Habang nasa mesa ay umiiwas ako na makatinginan si Luning­ning. Hindi rin ako nagsa­salita. Nasa gawing dulo ako ng mesa, malapit sa aking bunsong anak. Si Gina at Luningning ay magkatabi.

“O Rico, para kang pi­nitpit na lata d’yan,” sabi ni Gina.

Ngumiti lamang ako. Iniiwasan ko pa ring tu­mingin kay Luningning.

Si Luningning ang nagsalita.

“Wala naman talagang imik yang asawa mo Gina.”

“Naku, ganyan lang yan pero madaldal ‘yan.”

“E bakit walang imik?”

“Nahihiya siguro sa’yo.”

“Bakit siya mahihiya?”

“E kasi ikaw ang mag­babayad ng kakainin natin.”

Nagtawa si Luningning.

Noon ko nagawang ting­nan si Luningning. Normal lang ang kilos niya at pag­sasalita. Nagbibiro. Talo pa ako na naging kapansin-pansin ang pagiging tahi­mik.

Mahusay magtago si Luningning ng lihim at ti-nalo pa ako. Kung nakaya niya, bakit hindi ko maga­gawa?

Napilitan na akong mag­salita at magbiro.

“Nahihiya nga ako kaya hindi ako nagsasalita, Lu­ningning. Kasi’y wala na akong dollars na ibabayad hindi katulad mo.”

“Kasi naman kung bakit bigla kang umuwi. E di sana marami kang dollar ngayon katulad ko.”

Sumabad si Gina.

“Pinauwi ko na ‘yan, Luningning kasi natatakot ako na manligaw doon. Uso pala roon ang pambaba-bae ng mga OFW. Tapos na­na­ginip pa ako na may­roon daw nakarelasyon doon. Sabi ko, umuwi na.”

Napatingin sa akin nang makahulugan si Luning­ning. Pero agad binawi ang tingin dahil baka mapansin ni Gina.

“Mas mabuti nang na-rito na siya. Maganda na­man ang trabaho niya bi­lang   layout artist.”

“Pero mas maganda ang suweldo sa Riyadh di ba?”

“Aanhin ko naman ang malaking sahod kung meron naman siyang kinakalarong iba. Mas gusto ko pang maliit ang sahod pero lagi kaming magkasama.”

Napatingin uli sa akin si Luningning. Ako naman ang umiwas sa tingin niya.

Kinabukasan, hindi ko akalain na magsosolo kami sa bahay ni Luning­ning. Nagpunta sa school ng dalawa kong anak si Gina. Sa hapon pa kasi ang trabaho ko sa publication.

(Itutuloy)

AKO

GINA

KASI

LUNINGNING

NAHIHIYA

NAPATINGIN

O RICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with