MADALING-araw na ako nang makatulog. Pinuyat ako nang matinding pag-iisip kay Diana. Ibang klaseng babae iyon na mabagsik ang alaala. Naalala ko ang mainit naming pag tatalik. Nakasisira ng isip talaga. Naipangako ko na talagang babalikan ko si Diana para malasap ang mainit naming pagsasalo.
Kinabukasan sa service bus ay magkahi walay na kami sa upuan ni Jigo at sa akin ay balewala iyon. Kahit na nga alam kong sa amin nakapokus ang atensiyon ng mga kasamahan namin sa trabaho ay hindi ko pinapansin. Wala akong pakialam.
Nang nasa opisina na kami ay isang kasamahan kong hindi yata makali at gustong malaman ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Jigo ang lakas loob na nagtanong.
“Break na yata kayo ni Jigo,” sabing nakangisi. Noon pa lantad na ang aming “tagong relasyon”.
“Oo. Me bago na raw siya,” sagot ko.
Nagtawa ang kausap ko.
“Nagsawa na sa’yo. Amoy lupa ka na kasi,” sabi pa at nagtawa na naman.
“Nilayasan na nga ako sa kuwarto. Pagdating ko kagabi, naglipat na. Ewan ko kung bakit bigla-bigla. Siguro nga e may bago na.”
“Ano bang dahilan ng away?”
Umiling lamang ako.
“Siguro tampuhang mag-asawa lang ‘yan.”
“Hindi siguro.”
Nagtawa ang kausap ko.
“Bakit naman?”
“Basta. Pangmatagalan na ito. Wala nang balikan.”
Nagtawa ang kausap ko. Lumayo na siya. Tiyak ko, parang apoy na kakalat ang mga sinabi ko. Si Jigo ang malalantad sa kahihiyan, ha-ha-ha! Mabibilad na nang husto ang kanyang pagkatao.
Lumipas pa ang mga araw. Tinupad ko ang mga pinangako ko kay Diana na padadalhan ko siya ng dollars. Iyon ang panlaban ko para sa pag-uwi ko, ay hindi na siya makatatanggi. At ibibisto ko na rin sa kanya na ang kanyang si Jigo ay isang binabae. Para mapilitan siyang hiwalayan ito at kami na ang magsama.
(Itutuloy)