Ate Flora (69)
KINABUKASAN, gumawa ng sulat si Ate Flora para kay Tito Noel. Ikinuwento niyang lahat sa sulat ang mga naranasan namin kay Tita Raquel at sa mga anak nito. Isinulat nang walang paliguy-ligoy ang kataksilang ginagawa ng asawa.
Sa dakong hulihan ng sulat ay inilagay ni Ate na kinupkop kami ng ibang tao. Hindi na nilagay ni Ate ang address na aming kinaroroonan.
“Huwag mo ngang ilalagay ang address at baka hanapin kayo. Ma-lay ba natin kung ang kampi han pa rin ng tito n’yo ay ang kanyang asawa. Maraming ganyang pangyayari.”
“Kung ganoon po ang gagawin niya ay bahala na siya, Aling Cely. Basta ang amin ay naipaalam namin sa kanya ang kataksilan ng kanyang asawa.”
“Tama ka. Flora. Sige isobre mo na ‘yan at ako ang maghuhulog. Dada an ako sa Central Post Office bago ako tumuloy sa agency ko sa Malate.”
Isinobre ni Ate ang sulat at saka ang Xe-rox ng ebidensiya.
“Mga isang linggo lang siguro at tanggap na ‘yan ng tito n’yo.”
“
“Oo nga. Pero okey na ‘yang sulat dahil may ebidensiya.”
“Sa palagay n’yo may iniisip kayang paraan si Tita Raquel para hindi maniwala si Tito Noel sa isinulat ko.”
“Hula ko, tinawagan na ni Raquel si Tito Noel n’yo. At siguro ay kung anu-anong kuwento ang sinabi niya. Siyempre, ililigtas niya ang sarili. Pero, maaari bang magsinungaling ang ebidensiya?”
May katwiran si Aling Cely.
Maski ako ay ganoon din ang hula. Baka kahapon na umalis kami sa bahay ay agad na tinawagan ni Tita Raquel si Tito Noel at naglubid na ng buhangin. Pinalabas na nagnakaw kami ni Ate at saka lumayas. Siguradong galit na galit si Tito Noel sa amin.
- Latest
- Trending