Anay (86)
“MAY kanser si Marie, Eloi. May taning na. Ayaw ko na sanang dagdagan pa ang paghihirap niya kaya hiling ko, huwag nang malaman pa ang lihim natin…” sabi ni Kuya Mike na hindi maitago ang sama ng loob dahil sa kalagayan ng asawa. Kaya siguro hindi na siya tumang-gi nang hilingin kong bigyan niya ako ng pera.
“Kaya ako nag punta rito Kuya e para humingi ng tawad sa kanya…”
“Huwag na. Mas mabuting hindi na niya malaman iyon.”
“Patawarin mo ako Kuya sa nagawa ko.”
“Okey lang. Yung binigay kong pera sa’yo, gamitin mo
Paano ko sasabihin sa kanya na ang perang iyon ay napunta rin sa wala dahil nilustay ng lalaking pinagtiwalaan ko. Pero wala na akong binanggit na may kaugnayan sa perang iyon. Baka magkaroon lamang siya ng pagdududa na ang pera ring iyon ang ugat kung bakit ko nagawang sunugin ang apartment ni Aling Miling.
“Siguro kapag wala na si Marie e mangingibang bansa na lamang kaming mag-aama.
Paano ba ako magsisimula? Iyon ang naitanong ko sa sarili. Marami akong nagawang kasalanan. Hindi yata kumpletong magsimula muli kung hindi mapagdu dusahan ang kasalanan.
“Aalis na ako Kuya…”
Tumango lamang si Kuya Mike. Tumalikod na ako. Narinig ko ang mga yabag ni Kuya Mike palayo para puma sok na sa bahay.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala akong direksiyon. Saan nga ba ako pupunta ngayon? Hindi naman ako makababalik sa Quezon dahil
Hindi magiging ganap ang pagbabago kung hindi mahuhu gasan ang kasalanang nagawa.
Ipinasya kong sumakay ng dyipni. Iilan lang kaming pasahero. Nakita ko ang isang lalaki sa harapan ko na nagbabasa ng tabloid. Ang binabasa niya ay ang tungkol sa naganap na sunog sa Quiapo kung saan dalawa ang namatay. Seryosong-seryoso ang lalaki at siguro’y naaawa sa dalawang nasunog na natagpuan pang magkayakap.
Kung alam lamang ng lalaki na ako ang may kagagawan ng sunog na iyon. Ha-ha-ha! Walang kaalam-alam ang mga nasa paligid ko na ako ang kriminal. Ngayon pa lamang, nagsisimula nang gambalain ang aking kon sensiya ng nagawang kasalanan. Paano nga ako makapag babagumbuhay sa gani-tong sitwasyon?
Ipinasya kong sa nasunog na apartment sa Paco magtu ngo. Iyon ang bigla kong naisip. Babalikan ko ang lugar ng krimen at bahala na.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending