Anay (ika-83 na labas)

(Kasaysayan ni E.A.E.)

NANG mag-alas- nuwebe ng gabi ay wala pa rin si Gil. Su­mapit ang alas-diyes ay wala rin. Nang mag-alas onse ay nag­pasya na ako na puntahan si Gil sa kuwarto ni Matrona.

Pero bago ako nag­tungo roon ay iniwan kong naka-on ang plantsa at idinikit ko sa may kurtina. Isi­nara ko ang pinto.

Bago ako tuluyang nagtungo sa kuwarto ni Matrona, dinala ko muna ang aking mga damit na pinalantsa sa aking kuwarto. Ipina­tong ko iyon sa bag na may lamang damit na nasa likod ng pinto.

Mabilis akong nag­tungo sa kuwarto ni Matrona. Nakaawang na naman ang pinto. Hindi talaga sila nagsa­sara ng pinto. Binibig­yan nila ako ng pagka­kataon.

Dahan-dahan akong pumasok sa ku­warto. Mula sa may pinto ay narinig ko ang ungol ni Matrona. Nag­ta­talik na naman sila. Walang ka­sawa-sawa ang da­lawa. Nagpapa­ka­lunod na naman. Kahit yata lumikha ako ng ingay sa pagkaka­taong iyon ay hindi nila pa­pansinin dahil sob­rang abala sila sa pagtatalik.

Tama na ang narinig kong iyon. Ipinasya ko nang lumabas. Pag­labas, napansin ko ang nakakalat na tali sa sa­hig na may isang metro ang haba. Pinulot ko iyon. Kinabig ko nang todo ang pinto at saka tinalian ng napulot kong tali. Mahigpit ang aking pagkakatali. Hindi basta-basta ma­bubuksan ng nasa loob ang pinto.

Mabilis akong uma­lis at nagtungo sa aking kuwarto. Dinampot ko ang aking bag. Nang lumabas ako sa ku­warto, naamoy ko na ang nasusunog na kurtina. Kasunod ay ang paglabas ng usok sa kuwarto ni Gil.

Nakababa ako na walang nakapansin.

Isang taxi ang du­maan at pinara ko. Bahala na kung saan makarating. (Itutuloy)

Show comments