(Kasaysayan ni E.A.E.)
“KAPAG nakapagbigay na uli ng pera si Kuya Mike mo, tiyak na ang pag-alis natin, Eloi. Sa Mogpog na lamang tayo magtatayo ng business. Ikaw ang mamamahala…”
Ngumiti lamang ako.
“O bakit parang hindi ka natutuwa, Eloi?”
“Natutuwa naman ako ah.”
“Magkano ba ang sinabi mong karagdagan, na ibibigay niya, Eloi?”
“Hundred thou uli. Iyon ang sinabi ko sa kanya. Naggalit-galitan ako para mapaniwala ko.”
“Ang husay mo Eloi! Puwede ka na talaga. Puwedeng-puwede na!”
“Puwede na saan?”
“Puwede nang pakasalan ko…”
At hinalikan muli ako sa labi. Pero wala nang epekto sa akin ang halik niya. Hindi katulad noon na kaunting madait lamang ang katawan niya sa katawan ko ay tila sinisilaban na ako.
“Puwedeng pwede ka na. Maaari ko nang iba-sura si Matrona, Eloi. Sawang-sawa na ako sa matronang iyon…”
Gusto ko na siyang ibuking. Gusto kong sabihin sa kanya na bistado ko na ang lihim nila ni Matrona.
“Asan nga pala ang ATM card ko, Gil. Para ma-check ko kung naka-post na ang P100,000.”
Tila namutla si Gil sa sinabi ko.
“Ha? A e nasa kuwarto. Ako na lamang ang magtsi-check.”
“Sige, Gil.”
“Basta safe ang pera mo na nasa ATM, Eloi. Ako ang bahala.”
“Marami ka na bang nahuthot kay Matrona, Gil?”
“Marami na, Eloi. Walang kamalay-malay ang matrona na pulubi na siya. Akala niya siya ang pakikisamahan ko. Hindi niya alam, tayong dalawa ang aalis…”
Pinilit kong magtimping muli sa pagkakataong iyon. Ayaw ko pang bukingin ang walanghiya. May tamang panahon para makapaghiganti.
Nang makaalis si Gil ay pinlano ko ang paghihi ganti sa dalawa. Hindi nila malilimutan ang gagawin kong paghihiganti.
Kinabukasan ng umaga ay nanghiram ako ng plantsa kay Matrona.
“O Eloi, kumusta?”
“Okey naman po. Mang hihiram po ako ng plantsa.”
“A halika. Ikaw na ang dumampot doon sa sulok…”
Kinuha ko.
“Pinupuntahan ka pa ba ni Michael, Eloi?” Si Kuya Mike ang tinatanong niya.
“Hindi na nga po.”
“Kung ako sa’yo lalayasan ko na ang hayop na iyon. Masyado kang kinakawawa. Para kang ulilang alipin sa kuwarto. Layasan mo na siya, Eloi. Humanap ka na lang ng iba.”
Tumango lamang ako. Sa isipan ko ay naroon ang poot sa babaing ito. Nagbanta ang isipan ko: Aalis ako rito pero kailangang makaganti sa in- yong dalawa ni Gil! (Itutuloy)