Anay (ika-75 na labas)
(Kasaysayan ni E.A.E.)
MATAPOS ang pagsasalo namin ni Gil muli niyang ipinaalala na huwag akong magpabigla-bigla sa desisyon na tawagan ang asawa ni Kuya Mike na si Ate Marie at ibulgar ang lihim. Baka raw lalo akong walang makuha ni isang kusing kay Kuya Mike.
“Relaks ka lang, Eloi. Daanin mo sa diplomasya para makakamal ka ng pera. Kapag nagawa mo ‘yan marami tayong baon patungong Mogpog.
“Opo Mr. Libog…” sabi ko sabay tawa.
Kinabukasan ng alas singko ng hapon, tinawagan ko si Kuya Mike sa opisina niya. Natiyempuhan ko. Sinunod ko ang sinabi ni Gil na maging mahinahon.
“Kuya Mike punta ka rito at dalawin mo ako, meron akong mahalagang sasabihin sa’yo…”
“Di ba nag-usap na tayo kahapon at pinadadagdagan mo ang binibigay ko sa iyo?”
“Yon nga kaso’y tumawag ako sa iyo kahapon e nakaalis ka na raw.”
“Payag na akong dagdagan ang ibinibigay ko sa’yo basta huwag mo lang akong ibubuking kay Marie…”
“Hindi naman kita ibubuking e. Magagawa ko ba ‘yon?”
“E bakit nga ayaw mong sabihin ngayon kung anuman ang gusto mo.”
“Gusto rin kitang makita, Kuya Mike. Hindi mo ba ako nami-miss? Bagong paligo ako ngayon. Eto nga basa pa ang buhok ko. Ang bangu-bango ko…”
Tila napalunok si Kuya Mike sa mga sinabi ko. Pinalandi ko ba ang boses.
“At wala na rin akong underwear baka akala mo. Ready to fight ako…”
“Hayop ka talaga Eloi. Tinatakaw mo ako…”
“Pupunta ka rito o hindi?”
“E susunduin ko pa si Marie sa opis niya.”
“Sandali lang naman ang gagawin natin.”
“Sige hintayin mo ako. Six pa naman ng gabi ko dadaanan si Marie…”
“Bilisan mo at baka mainip ako, Kuya…”
“Hayop kang manukso Eloi.”
“Mas hayop ka!”
Nakangiti ako matapos kaming mag-usap ni Kuya Mike. Basta “laman” ang ialok sa kanya, hindi siya makakatanggi. Ibang klase ang “L” sa katawan ni Kuya Mike.
Eksaktong
Pagpasok ni Kuya Mike ay agad kong isinara ang pinto. Ako na ang naging marahas. Hinalikan ko siya sa labi. Sinapo ko ang harapan niya. Naka-ready na rin ang kumag.
Ilang sandali pa at nagtatalik na kami sa
“Ano nga pala ang sasabihin mo, Eloi? Hindi na ako nagpatumpik. Sinabi ko na bigyan na niya ako ng P100,000 at hindi ko na siya gagambalain pa kahit kailan. Hindi na ako hihingi sa kanya.
“Parang lump sum ah?” sabing nakatingiti.
“Mas mabuti yun kaysa buwan-buwan mong lalagyan ang ATM ko. Wala ka nang aalalahanin…
Sa pagkagulat ko ay pumayag si Kuya Mike.
“Sige bigyan kita ng P100,000 pero manahimik ka na ha?”
“Anong manahimik?”
“Magkanya-kanya na tayo…”
Natuwa ako sa sinabi niya. Di ba iyon nga ang gusto ko — ang magbagumbuhay. Magkakaroon na kami ng pagkakataon ni Gil na umalis sa Maynila at sa Mogpog na manirahan.
“Kailan mo ibibigay Kuya?”
“Sa a-kinse. Ilalagay ko sa ATM. Pagnakuha mo, umalis ka na rito ha?”
“Oo Kuya.”
Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na siya.
Nang ireport ko kay Gil ang pagpayag ni Kuya Mike ay halos maglulundag sa tuwa.
“Kitam! Sabi ko sa’yo huwag kang magmamadali e…” (Itutuloy)
- Latest
- Trending