^

True Confessions

Ellang (123)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

“LA! Muskila!”

Hindi raw puwede. Ma­laking problema.

Nangatwiran ako kay Sir na tapos na ang aking kontrata at maaari na akong umuwi.

Pero gaya nang unang sinabi, talagang ayaw itong pumayag. Hindi raw puwede. Parang proble­mado si Sir. Tuliro.

Biglang tumayo si Sir at pumasok sa kuwarto. Ang dalawang bata ay kasalukuyan noong na­tutulog sa kuwarto. Nai­wan akong nagtataka. Naisip ko, siguro’y mas­yado lamang problema- do dahil nasa ospital si Madam. Baka masama ang lagay ni Madam.

Naisip ko, masama yata ang timing ng pagsa­sabi ko dahil may proble- ma si Sir. Sa halip na ma­pabuti ay napasama dahil maraming iniisip si Sir.   Pero ang pag­kakataong ito lamang ang alam kong paraan para ma­kapagsabi kay Sir. Hindi ko na hi­hin­tayin pang lumabas si Ma­dam at baka lalo la­mang akong hindi ako paya­gan. Alam ko kasing si Sir la­mang ang nakaaalam ng aking damdamin.

Ang hindi ko inaasahan ay nang lumabas si Sir at tinawag ako.

“Taa’l hena, Ellang,” sabi nito. Lumapit ako. Sabi niya na pag-iisipan daw niya   ang sinabi kong pag-alis. Huwag daw ngayon dahil nasa ospital si Madam. Muskila raw.

“Mafi muskila, Ellang?”

Hindi ako makasagot. Pero nabagbag ang loob ko sa marahan niyang pakiu­sap. At pumayag ako na huwag munang umalis.

“Mafi muskila, Moder.”

“Shokran, Ellang!”

At hindi ko inaasahan   na kumuha ng pera si Sir   sa kanyang pitaka at ibini­gay sa akin. Hindi ko alam kung magkano.

Pero hindi ko tinanggap. Ano iyon, suhol dahil hindi ko na itutuloy ang balak na pag-alis?

“Mafi muskila, Ellang…”

At aywan ko ba kung bakit malambot ang ilong  ko kapag ganoon na ang usapan. Nang pilit inaabot sa akin ang pera ay tila ako isang sunud-sunuran at na-hipnotismo na tinanggap ang pera.

“Kuwayes Ellang. Ku­wayes!”

At ang hindi ko inaasa­han ay ang pagtapik niya sa aking puwet. Manipis ang aking damit kaya nadama niya ang umbok at kurba ng aking puwet!

“Kuwayes!”

At nakita kong may nakabukol na sa harapan ni Sir. Ano ‘yon? Iyon ba ang “malakabayo”?

At naalala ko ang na­kita sa loob ng bodega isang madaling-araw. “Malakabayong ari” na nilalaro ng amo kong ito. Ngayon ay tila nag-aalma ang “malakabayo” na nasa aking harapan. Na­pausal ako ng dasal. Tulu­ngan mo ako Diyos ko!

(Itutuloy)

ELLANG

SHY

SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with