Ellang(70)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
“HELLO!”
Babae ang nasa kabilang dulo ng linya. Sa hula ko ang babaing nakita ko sa Batha. Mukhang mabait ang boses niya.
“Good morning po. Ako po si Ellang. Puwede ko po bang makausap si Mr. Reyes?”
“A wala siya. Ako ang misis niya si Cynthia.”
“Magandang umaga po Mam. Ako po ‘yung nakita n’yo sa Batha noon. ‘Yon pong binigyan ninyo ng calling card…”
Sandaling nawala sa linya ang babae pero hula ni Ellang, inaalala nito ang pangyayari sa Batha noon.
“Ako po ‘yung nakita niyo na tila may problema. Malapit po ako sa isang grocery na malapit sa Al-Manhill bookshop.”
“A, oo! Ikaw ‘yung nadaanan namin ni Ben na tila problemadung-problemado. Natawag ka?”
“Opo. Kasi naaalala ko ang sabi ninyo na kapag ka ilangan ko ng tulong ay tumawag lamang ako sa inyo.”
“Oo. Ano ba ang problema mo? Ano nga uli ang pa ngalan mo?”
“Ellang po.”
“Ano ang problema mo, Ellang?”
“Mahabang istorya po.”
“Sige iklian mo lang ang pagkukuwento.”
“Baka po nakakaabala ako sa iyo Mam.”
“Hindi naman. Day-off ko kasi ngayon. Nurse ako sa isang government hospital.”
Ikinuwento na ni Ellang kay Cynthia ang lahat. Iyon na ang paraan na alam niya para mabawasan ang dinadala niyang problema. Pinaikli lamang niya para madaling matapos.
“Gusto ko pong gantihan ang lalaking iyon para matahimik ako.”
“Lalo mo lamang palalakihin ang problema mo, Ellang.”
“Sinira na po kasi niya ang buhay ko, kaya sisirain ko rin siya.”
“Ang maipapayo ko, kalimutan mo na siya. May bukas pa naman. Hindi ka mapapa buti kung ang pagganti ang isasaisip mo. Alalahanin mo na mayroon ka pang ina na naghihintay sa iyo.”
Napaiyak ako nang ma banggit ang aking ina. Paano’y pati siya ay nagamit ko sa pagsisinungaling.
“Siguro mas maganda kung makakasama ka sa Bible Study namin. Para naman ganap na maliwanagan ang isip mo. Saan ka ba nakatira?”
Sinabi ko ang address ko.
“Malapit lamang pala. Dito lamang kami sa may Old Airport Rd.”
“Matagal na po ba kayo rito sa Riyadh?”
“Matagal na. Ang mister ko ay nasa MODA.”
“Mabuti po kayo at magkasama kahit dito sa Riyadh.”
“Oo wala lang kaming anak. Siguro’y talagang kapalaran namin. O ano gusto mong maka-attend ng Bible Study?”
“Hindi po ako makasa got kasi baka hindi ako payagan ng aking amo.”
“Talagang hindi ka papayagan kasi, bawal dito ang Bible Study.”
“Pero gusto ko pong dumalo. Parang naliwanagan ako sa sinabi mo kanina, Mam.” (Itutuloy)
- Latest
- Trending