"Okey bah Antonio?" sabi ni Sadik nang sorpresahin kaming dalawa ni Susan isang gabi.
"Okey, Sadik. Shokran cater! Cater!"
"Okey bah Susan?"
"Okey na okey Sadik."
Nang umalis si Sadik ay agad naming inayos ni Susan ang bagong TV.
"Akalain mo sa Pilipinas ay pinagtiyagaan natin ang maliit na TV na matagal kong hinulugan."
"Dito lang pala tayo makararanas makapanood sa malaking TV ano Tony."
"Mabait talaga si Sadik."
"Kaya nga wala na akong balak umalis dito."
Lalo pa kaming naging matapat kay Sadik at sa kanyang matandang ina. Hindi naman kami itinuring ni Sadik na mga alila o katulong kundi mga kapatid.
Nang mamatay ang ina ni Sadik ay labis kaming nalungkot ni Susan.
(Itutuloy)