Sadik (ika-6 na labas)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

SI Negro mismo ang bumaba sa pickup at binuksan ang gate. Bumalik sa sasakyan at saka ipinasok sa loob ng bakuran. Pagkaraang maipasok ay bumaba uli si Negro at isinara ang malaking gate. Ang gate ay mataas. Mahihira-pang akyatin iyon para pagnakawan. Naisip ko, masyadong mayaman ang aking magiging amo kaya ganito kataas ang gate. Sa Pilipinas, maya-yaman lamang ang may pader at gate na matataas.

Ipinarada ni Negro ang pickup sa may tagiliran ng bahay. Malaki ang bahay pero simple lamang ang disenyo. Naikumpara ko sa kahon ng posporo na itinayo. Puti ang kulay ng bahay.

"Come, Antonio," sabi ni Negro.

Bumaba ako. Kinuha ko sa likod ng pickup ang maleta at sumunod kay Negro. Ihaharap na siguro niya ako sa aking magiging amo. Kinabahan na naman ako. Naisip kong baka mabagsik ang aking amo katulad ng mga pulis sa airport na kaunti lang malihis sa pila ay galit na agad at nanunulak kaagad.

May susi si Negro. Sinusian niya ang pinto. Naisip ko, si Negro ay isa rin sa mga driver na katulad ko at pinagtitiwalaan sa ba- hay na iyon. Siya ang magtuturo sa akin ng lahat. Sa tingin ko naman ay mabait si Negro. O maaari rin namang paalis na si Negro — nagresign na at hinintay lamang akong dumating bago aalis. Posible.

Nang nasa loob na kami ng bahay ay tumambad sa akin ang malaking sala na halos wala namang gaanong gamit. Simpleng-simple ang ayos.

"Wait here Antonio," sabi ni Negro. "Sit!" Itinuro ang sopa.

Naupo ako sa sopa. Luma na ang sopa. Siguro ay tatawagain na ang amo ko. Ipakikilala ako. At saka bibigyan ng instruction.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Ne- gro at may kasamang isang matandang babae. Negra rin na nakasuot nang mahaba at maitim na damit. Naalala kong abaya ang tawag doon. Nalaman ko ang pangalan ng damit dahil sa nakasabay sa eroplano.

Pangit din ang matandang babae. Nagtataka ako kung bakit iniharap ako ni Negro sa matandang babae. Nasaan kaya ang magiging amo ko?

(Itutuloy)

Show comments