Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-98 na labas)
July 17, 2006 | 12:00am
(Batay sa kaysaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
"NAG-AARAL ka ba Che?"
"Opo Itay. Graduating na ako."
"Anong course?"
"Business administration."
"Aba’y tamang-tama pala ang course mo…"
"Bakit po?"
"Ikaw na ang pamamahalain ko sa aking business sa US. Balang araw kasi ay madadala kita roon."
"Totoo po itay? Baka naman magalit ang asawa mo roon."
"Sabi ko nga sa’yo okey ang asawa ko roon. Hindi siya katulad ng ibang babae na sakim. Open siya. Positive ang mind."
"Paano naman si Inay kapag kinuha n’yo ako?"
"Madalas din naman tayong magbabalikbayan. E di kapag immigrant ka na roon puwede mo na ring kunin dito ang Inay mo at si Donna."
Puwede nga. Kung magkakatotoo ang mga plano, makapag-aabroad kami.
"Sana naman ay humaba pa ang buhay ni Inay para makarating siya sa US."
"Kaya nga ipagagamot ko siya Che."
Kinabukasan, maagang-maaga ay dinala namin si Inay sa isang sikat na ospital para i-confine. Sa kotse ni Itay siyempre nakasakay. Kumuha ng isang mamahaling kuwarto si Itay. Pagkaraan ay idinaan na siya sa test ng mga doktor.
Si Donna ang nagbantay kay Inay samantalang kami ni Itay ay naghanap ng apartment sa malapit sa ospital. Isang bagong gawang apartment ang napili ni Itay. Maaaring lakarin ang ospital.
"Tamang-tama ito habang ginagamot si Gracia. Kapag gumaling na siya at maaari nang ilabas, ikukuha ko kayo ng sariling bahay at lupa sa isang subdibisyon.
"Maraming salamat Itay."
Isang linggo ring namalagi sa ospital si Inay. Nang ilabas namin at itinuloy sa bagong apartment ay hindi makapaniwala. Manghang-mangha sa bagong bahay!
"Bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Inay.
"Dito na tayo titira Inay. Si Itay ang may gusto nito, di ba Itay."
"Oo. At baka ilang buwan e ililipat ko naman kayo sa isang bahay sa subdibisyon. Sariling-sarili n’yo na."
At muli ay umiyak si Inay. Pero iyon ay iyak ng isang labis ang nadamang kaligayahan. Hindi niya akalain na mababago ang takbo ng buhay namin…
Umalis si Itay patungong US makaraan ang tatlong buwan. Pero bago umalis ay sinigurong mabuti na ang kalagayan naming mag-ina pati si Donna na itinuring na ring anak niya.
Buwan-buwan ay nagpapadala siya ng sustento sa amin. Sobra-sobra sa pangangailangan namin ang ipinadadala niya. Sabi nga niya, wala na siyang pinagkakagastusan.
Makaraan pa ang anim na buwan ay nagpadala siya nang malaking pera para ipambili ng sarili naming bahay at lupa sa isang subdibisyon. Noon ay tapos na ako sa aking pag-aaral.
(Tatapusin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended