Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-89 na labas)
July 8, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
HINDI ako makakilos sa pagkakataong iyon. Gipit na ako. Kung tatakbo ako, tiyak na aabutan at malay ko kung ano ang gagawin sa akin ng lalaking ito. Lalo nga akong natakot nang itanong ang tungkol sa "Black Roses". At tila tama ang hula ni Donna na ang lalaking ito ay kustomer ng "Black Roses".
"Huwag kang matakot at hindi ako masamang tao," sabing muli ng lalaki.
Doon na ako nagpasyang huwag nang takasan ang lalaki. Wala rin naman akong magagawa.
Sumabay na sa akin ang lalaki sa paglalakad. Ganoon man, natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.
"Ako nga pala si Frank. Di ba ikaw ang nasa Black Roses?"
Tumango ako. Tila walang lakas ang aking dila.
"Tama nga. Alam mo nang una kitang makita, parang may kutob na ako. Malakas ang aking kutob..."
Ano kayang kutob ang sinasabi ng lalaki. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Alam mo hindi talaga ako dating mahilig sa mga night club na gaya ng Black Roses. Kaya lamang ako napunta roon ay dahil mayroon akong hinahanap...."
Hindi ko pa rin gaanong makuha ang mga sinasabi ng lalaki.
"Hindi ako masamang tao, gusto lang kitang makausap nang medyo matagal-tagal. May maha- laga lang akong itatanong sayo."
Naguguluhan ako. Hindi ako makapagpasya sa pagkakataong iyon.
"Mag-usap lang tayo kahit sandali. Doon tayo mag-usap sa isang coffee shop."
Naguguluhan ako.
"Sige na, Miss..."
"Sige po."
"Salamat."
Nakita kong may dinukot ang lalaki sa bulsa. Cell phone. May tinawagan. Pagkatapos ay muling itinago ang cell phone.
"Sandali lang iha."
At isang minuto ang nakalipas ay dumating ang isang bago at magarang kotse.
"Halika na iha."
Sumunod ako. Sumakay kaming dalawa sa likuran ng kotse.
"Sa isang coffee shop tayo Mang Ambo," sabi ng lalaki sa may edad na driver.
Pinatakbo na ang kotse.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended