Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-68 na labas)

(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

"NASA ospital ang Itay ko. Isinugod namin kamakalawa," sabi ni Pearl.

"Kaya hindi ka nakapasok?"

"Oo."

"Malala na ang sakit."

"Nasaan ngayon?"

"Nasa ospital pa."

Pagkatapos sabihin iyon ay bumunghalit siya ng iyak. Sumubsob.

"Bakit Pearl?"

Matagal bago sumagot. Para bang pinag-isipan kung ipagtatapat sa akin iyon. Dahan-dahan niyang ikinuwento ang mga nangyari.

"Nangailangan na naman kami ng pera. Kaninang umaga, pinuntahan ko si bossing. Nakiusap ako kung maaari, pautangin uli niya. Sabi niya, malaki pa ang utang ko… pero may isang paraan pa raw…"

Tumigil si Pearl.

"Ano raw paraan yon?"

"Titikman ako…"

Gimbal ako.

"Anong nangyari?"

Nakita ko sa mga mata ni Pearl ang lungkot.

"Gusto kong mabuhay ang Itay ko, Che. Ayaw kong hayaan siyang basta mamatay na lamang…"

"Natikman ka ni Bossing?"

"Oo."

Napabuntung-hininga ako.

"Doon mismo sa opisina niya…"

Bumunghalit muli si Pearl ng iyak.

(Itutuloy)

Show comments