Salamat, hinango mo ako sa putikan!(30)
May 15, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
ANG pag-alis sa aming tinitirahang kuwarto ang pinakamagandang paraan na naisip ni Inay para mailayo kami ni Donna sa manyakis na si Mang Angel. At lalo pang nagpilit si Inay nang makaalis doon nang pati si Aling Maring na asawa ni Mang Angel ay nakisama na rin sa gulo. Kinampihan nito ang asawang manyakis.
Kapag nagdadaan si Inay sa kuwarto ng mag-asawa ay kung anu-anong pasaring ang naririnig niya kay Aling Maring. "Akala mo kung sinong malinis e naglaladlad lamang ng tahong, pwe!" o kayay "Amoy pokpok na naman! Ang sangsang ng amoy!"
At nang hindi na makatiis si Inay sa mga pasaring at kung anu-anong sinasabi ni Aling Maring. Sinugod na niya ito sa kuwarto at saka inaway. Sinampal niya. Kinalmot ang mukha at sinabunutan. Kami ni Donna ay nanatili na lamang sa loob ng kuwarto. Hindi kami lumabas para awatin si Inay. Wala si Mang Angel ng gabing iyon. At kung naroon man, baka kung ano naman ang magawa ni Inay.
Ang umawat kina Inay ay ang mga nakatira pa sa kasunod na kuwarto. Saka pa lamang kami lumabas ng aming kuwarto ni Donna. Maraming pasa at kalmot si Aling Maring. Halos magkapunit-punit ang suot na daster. Sabug-sabog ang buhok. Si Inay wala man lamang galos.
"Putang ina ka Gracia, idedemanda kita," sabi ni Aling Maring.
"Sige gawin mo at nang mabulatlat ang ginagawa ng asawa mo sa anak ko."
Natahimik si Aling Maring. Natakot marahil sa sinabi ni Inay.
"Hindi pa tayo tapos Maring. Pati yang asawa mong manyakis e hindi ko pa nagagantihan. Kapag nakita ko siya, tatarakan ko siya!" Sabing matapang ni Inay.
Sinabi ng umawat na tapusin sa barangay ang kaso. Mas maganda raw na ayusin ang gulo habang maaga.
"Hindi na inaayos ang gulo sa barangay, Manong. Kapag inapi ka, dapat gantihan na kaagad. Wala nang usap-usap pa," sabi ni Inay at nakita kong napamaang ang umawat na lalaki.
Pero ipinasya rin ni Inay na lumipat kami sa ibang tirahan. Sa may malapit sa kanyang pinagsasayawan kami nakakuha ng kuwarto. Ayaw sana ni Inay sa malapit sa pinagsasayawan pero wala na siyang magawa. Iyon lamang ang mura at saka malapit pa. Maaaring lakarin mula sa aming bagong tirahan.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended