^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (8)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

"NAGTIWALA agad ako sa ama mong manloloko. Nadala sa matatamis na boladas. Guwapo nga kasi eh. Iyon pala ay masama na ang tangka…."

Tumigil sa pagkukuwento si Inay tungkol sa aking ama. Sa tingin ko’y inaalala pa ang mga tagpo nila noon ng aking ama.

"Akalain mong sumama agad ako sa panonood ng sine. Doon sa isang sinehan sa Recto kami nanood. Pinili niya ang upuan na nasa dakong sulok. Wala naman akong malay na may kalokohan siyang gagawin sa akin…"

Nananatili ako sa pakikinig. Hinayaan kong magkuwento nang magku-wento si Inay. Sabik akong malaman ang pagkatao ng aking ama.

"Siya ang unang nakahipo sa katawan ko. Siya ang unang nakahalik sa akin…" tumigil si Inay sa pagsasalita. Binabalikan pa ang mga tagpo nila noon. Para bang gustong ilahad sa akin ang lahat ng pangyayari ngayong may isip na ako.

"Ako namang si gaga, payag na payag sa ginagawa niya. Gusto ko nga kasi ang ama mo dahil super guwapo. Makalaglag-panty talaga ang appeal niya. Habang ang marami ay abalang-abala sa panonood ng sine, iba naman ang ginagawa namin. Grabe!"

Ganoon pala, naisip ko ang ginagawa nila.

"Paglabas namin sa sinehan ay alam ko na kung saan niya ako dadalhin -— sa motel. Para kasing sinisilaban na siya at maging ako man. Gusto na niyang matikman ang pinaglalawayan."

Sa motel nga raw sila nagtungo at naganap ang hindi sana dapat naganap. Pasado alas-otso na ng gabi raw nang sila ay lumabas. Wala raw siyang nadaramang takot sa nangyari.

Inihatid daw siya sa bahay. Sakay ng kotse. Hindi na raw bumaba ang aking ama sa kotse.

Pagpasok sa bahay ay hindi man lang daw kinagalitan si Inay ng kan-yang ama at ina (lolo at lola ko). Kung ang ibang magulang ay galit dahil sa ginabi sa pag-uwi ang anak, ang mga magulang daw niya ay hindi.

Iyon pala’y dahil sa gusto nilang ang mapangasawa ni Inay ay maykaya sa buhay. Yung may kotse at higit sa lahat, guwapo.

(Itutuloy)

AKALAIN

AKO

AMA

BATAY

BINABALIKAN

INAY

IYON

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with