Darang sa baga (193)
March 24, 2006 | 12:00am
NANG papasok na ako sa kuwarto para magbihis ay gusto pang sumama ni Sancho. Gusto pang may mangyari sa amin bago umalis.
"Huwag kang pasaway Sancho. Nasa kuwarto ang dalawang anak ko."
"Tulog naman yata e."
"Kahit na tulog ayoko. At saka ang maid ko nandiyan lang."
"Mag-telmo na lang tayo mamya."
Hindi ako sumagot. Pumasok na ako sa kuwarto. Hindi na sumunod si Sancho. Mabilis akong nagbihis at lumabas agad ng kuwarto.
"Aalis na ba tayo?" tanong ni Sancho.
"Oo."
"Tamang-tama sa telmo muna tayo."
Tinawag ko si Lani na naglalaba sa likod ng bahay. Mabilis na pumasok si Lani at lumapit sa akin.
"Aalis na kami Lani. Ikaw na ang bahala sa mga bata. Pakainin mo nang kahit ano diyan. Etong pera. Ibili mo ng noodles ang panganay o kaya isaw doon sa kuwarto."
Inabot ni Lani ang pera.
"Baka gabihin ako."
"Mamayang gabi Ate, anong ipakain ko sa dalawang bata."
"Bahala ka na."
Umalis na kami ni Sancho. Pagdating na-min sa kanto ay eksakto ang pagdaan ng isang taxi. Pinara ni Sancho. Nagpahatid kami sa motel.
Nang nasa taxi na ay inabot ko ang P2,000 kay Sancho. Tuwang-tuwa si Sancho.
Umorder kami ng maraming pagkain nang nasa motel na kami at pagkatapos ay nagpakalunod kaming dalawa sa kaligayahan. Walang sawang tinikman nang tinikman ang pagkaing aming kinaugalian.
Matapos magpakasawa sa pagkaing iyon ay saka kami nag-casino. Ang perang pinagpagu-ran ni Ramon sa Saudi ay sandali lang gastusin. Iglap lang. Madaling araw na kami nang lumabas sa casino. Muli kaming nagmotel ni Sancho. Wala kaming pagkasawa sa pagtikim sa pagkaing iyon. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am