^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-191 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

KINUHA ko sa cabinet ang itinatagong P3,000 at ibinigay kay Sancho.

"Wow salamat!" sabi ni Sancho.

"Yung P2,000 bukas na pagdating ng pera ko ha?."

"Babayaran ko agad ito, Nena."

"Dati mo nang sinasabi ‘yan."

"Totoo."

Kumilos si Sancho at hinalikan ako sa bibig.

"Sancho..."

Gumapang ang kamay pagkatapos. Hindi ko masansala. Nakatingin ako sa dakong kusina at baka lumabas doon ang aking maid. Mabuti at hindi lumabas si Lani. Baka nasa likod bahay at nagsasampay ng damit. Ang panganay kong anak ay tulog pa.

Humihingal si Sancho nang tigilan ako.

"Bukas daanan ko ang P2,000 ha?"

"Oo."

"Maglalaro ba tayo bukas sa casino?" tanong ko.

"Ikaw? Kung gusto mo, okey sa akin."

"Maglaro tayo Sancho. Nangangati na ang kamay ko."

"Sige. Baka suwertehin tayo."

"Marami akong "bala" bukas kasi schedule ng padala mula Saudi..."

Nakita kong namilog ang mga mata ni Sancho nang sabihin kong marami akong "bala"...

"Anong oras ako pupunta rito?"

"Sa hapon na para sigurado."

Masaya ako nang umalis si Sancho.

Kinabukasan, dumating na ang allotment ko mula Riyadh. Mapula na naman ang hasang ko. Marami na naman akong pera.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

BABAYARAN

BUKAS

DATI

GUMAPANG

MANDALUYONG CITY

MARAMI

NENA

SANCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with