Darang sa Baga (Ika-168 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

AAYAW-AYAW pa ay gusto rin naman pala, nasabi marahil ni Ramon sa sarili nang ako na ang magyaya sa kanya sa sopa.

Tao lamang na marupok. At ano ba kung magkaroon kami ng relasyon ni Ramon ay pareho naman kaming walang sabit. Ako ay biyuda at siya ay binatang-binata raw.

Ibinagsak ko ang katawan sa sopa. Kasunod ko si Ramon na tila ba nagkaroon lalo ng lakas ng loob nang ako ang magyaya.

Siniil ako ni Ramon ng halik sa leeg. Parang sumisid sa malalim na karagatan. Parang hayok na pating na sinakmal ang aking maputing leeg.

"Ramon ha baka lagyan mo akong tsikinini…"

Pero wala na yatang naririnig si Ramon at lalo pang idiniin ang pagsisid.

"Mon… ano ba?"

Naramdaman ko na inaalis ni Ramon ang kanyang pants. Parang naririnig ko ang kanyang hingal habang ginagawa iyon.

Eto na naman ang panibago kong pakikihamok sa lalaki at dito pa sa Saudi Arabia magaganap. Sa labas ay matindi ang sikat ng araw at tila walang banta ng sandstorm.

"Mon?"

"Nena."

Kasunod niyon ang paghahamok naming dalawa. Maya-maya, nag-alimpuyo na ang bagyong buhangin.

Itutuloy

Show comments