Darang sa Baga (Ika-164 na labas)
February 23, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
NGAYONG sinabi ko na magsiyota na kami ay saka naman natameme si Ramon. Kung gaano kadaldal sa mga nakaraang pag-uusap namin ay bigla namang natameme. Parang nalunok ang dila.
"Ano? Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong ko na may halong pangangantiyaw.
"E, nagbibiro ka naman yata Nena…"
"Ano? Ako pa ang magbibiro e ikaw itong walang tigil na kakukulit sa akin."
"Kasi’y hindi ko akalain na mabilis mo akong sasagutin…"
Naisip kong biruin.
"Sinagot ba kita?"
"Di ba sabi mo magsiyota na tayo?"
"Oo pero hindi pa kita sinasagot…"
"Ganoon na rin yon."
"Bahala ka."
Balak ko munang paglaruan si Ramon. Tipong mabilis bilugin ang ulo. Sa tingin ko rin madaling utuin.
"Gusto mo pumunta ako diyan sa inyo Nena?"
"Bakit?"
"Para naman magkausap tayo ng sarilinan. Puwede?"
"Saka na lang. Puwede naman tayong mag-usap sa telepono. Katulad ngayon."
"Sige kung ayaw mo sa bahay ng amo mo. Sa Batha na lang tayo magkita."
"Naku ayoko! Mahuli pa tayo ng motawa roon. Di ba bawal na magkasama ang hindi mag-asawa rito?"
"E di magpanggap tayong mag-asawa."
"Ayoko nga."
"Sige na, Nena."
"Saka na lang," sabi kong tila nagpapakipot. Pahihirapan ko muna at saka uutuin nang husto ang Ramon na ito.
Hindi ako napilit ni Ramon.
Kinabukasan, dakong alas-nuwebe ng umaga ay tumawag uli.
"May ginagawa ka?" tanong ni Ramon.
"Meron."
"Ano?"
"Naglilinis ng bahay."
"May kasama ka diyan?"
"Wala. Bakit?"
"Gusto kong pumunta diyan."
"Tange ka. Nasa trabaho ka di ba?"
"Wala."
"Nasaan ka?"
"Nandito lang sa may Food Basket. Malapit lang sa tirahan mo."
Gulat ako. Paano niya nalaman na nasa Rawdah ang tirahan namin.
"Punta ako diyan ha?" sabi at saka ibinaba ang phone.
Kinabahan ako. Baka may mangyari sa amin kapag pinatuloy ko si Ramon. Hayop na yon at naisahan yata ako.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 15, 2025 - 12:00am