Darang sa Baga (Ika-159 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

NANINDIG ang aking balahibo. Isang buwan lamang ang nakalipas ay marami na ang nangyari.

"Ipinagbili na sa amin ng mga anak ng namatay ang condo na ito. Mura nga lang..."

"Alam nyo ba kung saan nakalibing si Mr. Fil?" tanong ko.

"Hindi. Pero may number ako ng mga anak niya. Gusto mo ibigay ko."

"Huwag na."

"E sino ka ba?"

Mabilis akong nakapag-isip ng paraan.

"Dati akong empleada sa kompanya ni Mr. Fil. Dadalawin ko sana siya," sabi ko.

"Ah ganoon ba."

"Sige. Salamat ha."

"Pag punta rito ng kanyang mga anak, sasabihin ko na may nagpunta rito. Ano ba ang name mo?"

Mabilis din akong nakapag-isip ng pangalan.

"Cherry. Cherry de la Cruz."

"Sige Cherry sabihin ko na lang sa kanila."

"Thanks."

Umalis na ako.

Habang bumababa sa hagdan, pakiramdam ko’y isa akong basang sisiw. Nakadama ako ng panghihina. Siguro’y dahil sa pagkaalam kong patay na si Fil.

Hindi ko alam kung saan na patungo ang buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung saan pupunta.

(Itutuloy)

Show comments