Darang sa Baga (Ika-137 na labas)
January 27, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
HINDI napuruhan si Jen sa pagsipa ko kaya mabilis na nakabangon at nasabunutan ako. Patay kung patay na! Nagsabunutan kami. May mga bumagsak na bagay sa sahig at lumikha ng ingay. Pero hindi ko na inintindi iyon. Ang nasa isip ko ay maipagtanggol ang sarili at makaganti sa mga ginagawa sa akin ni Jen.
Hindi ako kaya ni Jen. Natalo ko siya. Nang makakita ng pagkakataon ay nagmamadaling tinungo ang pintuan ng condo at lumabas.
"Bumalik ka rito!" sabi ko pero hindi na ako pinansin.
Natakot na rin marahil sapagkat baka malaman ni Fil ang aming ginagawa at atakehin na naman ang ama. Takot ding mamatay ang ama.
Mabilis kong isinara ang pinto. Nagtungo ako sa banyo at nilinis ko ang sarili. Nakita ko ang mapulang guhit sa aking leeg. Guhit na likha ng kuko.
Nag-alala akong makita na naman iyon ni Fil at magtanong.
Nagsuot ako ng damit na close neck nang humarap kay Fil. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended