^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-136 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

ANG laki kong tanga. Lagi ko namang nililinis ang ashtray sa guestroom pero hindi ko iyon nagawa. Ang tigas kasi ng ulo ni Carlo. Sinabi ko nang huwag maninigarilyo pero sige pa rin. Sinabi kong masama ang amoy sa loob ng kuwarto pero parang walang narinig. Matigas na ang ulo ni Carlo na para bang hindi na ako pinakikinggan.

Pakiramdam ko’y tumi-gil ang ikot ng mundo nang sabihin ni Jen na ipakikita sa daddy niya ang mga upos ng sigarilyo. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ko. Ang alam ko, nanlamig ang aking mga palad.

"Natulala ka ano?" sabi ni Jen na para bang siguradung-sigurado na niyang "nahuli" ako. Para bang hindi na ako makakawala.

Pero ang ahas man kahit na sa gipit na kalagayan ay lumalaban. Hindi basta napapatay. Hindi basta sinasayang ang kamandag.

"Sa akin ang mga upos na iyon," sagot kong matatag kay Jen. "Naninigarilyo ako..."

"Sigarilyuhin mong lelong mong panot."

"Akala mo na ikaw lang ang marunng manigarilyo," sagot ko uli. Naninigarilyo si Jen kaya ko nasabi iyon. Chain smoker siya.

"Sinungaling kang babae ka!"

"Masarap manigarilyo kapag pagod na pagod sa araw-araw na pag-aalaga sa daddy mo..."

Hindi nakasagot. Para bang nagkaroon ng harang ang lalamunan ng bruha.

"Ipakikita ko kay Daddy ang mga upos."

Hindi ako nabahala sa banta ni Jen.

"Gawin mo."

"Talagang gagawin ko."

"Maniniwala ba sa iyo si Fil? Hindi ba’t kanina ka pa niya pinauuwi? Tapos bigla kang lulutang at may ebidensiyang ipakikita..."

Hindi nakasagot.

Alam ko nadurog ko na siya.

Umakma siyang sasampalin ako. Pero mas mabilis ako. Sinipa ko siya sa hita. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

GAWIN

IPAKIKITA

MANDALUYONG CITY

NANINIGARILYO

PERO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with