Darang sa Baga(119)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

SINIGURO kong tulog na tulog na si Fil bago ako umalis sa aming kuwarto. Ilang beses kong tinapik-tapik ang braso. Walang reaksiyon. Ilang beses kong inayos ang kumot pero hindi na nararamdaman iyon. Tulog na nga. Eksaktomg alas-nuwebe ng gabi.

Marahan akong lumabas ng kuwarto. Dahan-dahang isinara ang pinto.

Mabilis akong nagtungo sa kusina. Nakasubsob sa mesa si Carlo. Mukhang nainip sa paghihintay at nakatulog ang kumag.

Isang biro ang naisip kong gawin sa kanya. Dahan-dahan akong gumapang sa ilalim ng mesa. Maingat na nakalapit sa kanyang paanan. Nang eksaktong nakatapat na ako sa kanyang mga nakabuyangyang na mga hita ay bigla kong dinaklot ang nasa pagitan ng mga hita niya.

Nagulat si Carlo at sa kabiglaanan ay muntik na akong masipa. Mabuti na lang at nakagapang agad ako papalayo.

"Hinahamon mo ako ha? Sige, matitikman mo ang ganti ko sa pagbibiro mo…"

Mabilis akong tumayo at nagtatakbo patungo sa salas. Pero hindi pala ako dapat nagtungo roon. Maaaring may matabig akong dekorasyon at mabasag. Magigising si Fil at tiyak na tatawagin ako kapag nalamang wala ako sa tabi niya.

Sa halip na sa salas ay sa guest room ako nagtungo. Laging malinis ang guest room. Nakahanda sa sinumang matutulog. Doon ako nagtungo.

Hinabol ako roon ni Carlo. Isasara ko sana ang pinto pero mabilis na naitulak ni Carlo.

"Huli ka!" sabi niya.

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan habang naghaharutan kami ni Carlo.

(Itutuloy)

Show comments