^

True Confessions

Darang Sa Baga (Ika-99 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

DALAWA na ang kaaway ko. Ang akala ko, parehas si Liza. Alam ang tama at mali. Hindi ko naman siya masisisi sapagkat kapatid niya si Jen. At kung sa kapatid kong si Maricel mangyayari ang ganoon, kakampihan ko rin siya. Tiyak ko, nagsumbong si Jen kay Liza at ako ang lumalabas na kontrabida. Binaligtad ako.

Tumayo si Liza mula sa pagkakaupo. Bigong makumbinsi ang ama na sa kanyang bahay na tumira. Ang masaklap ay pinagalitan pa. Masama ang tingin sa akin ni Liza nang lumabas.

Ang akala ko ay tuluyang nang umalis si Liza. Hindi pala. Nanatili pala sa sala at hinintay ang paglabas ko.

Gulat na gulat ako nang makita siyang nakupo sa sopa. Masasakit na salita ang ipinakain sa akin.

"Ang kapal ng mukha mo. Pati kapatid ko sinaktan mo. Alam mo bang puro pasa ang mukha at likod ng kapatid ko?"

"Siya ang nagsimula at gumanti lamang ako."

"Nakita ka niyang may kausap na lalaki habang si Daddy ay nag-iisa rito sa condo…"

"Dati kong kakilala ang lalaking iyon at siya ang humabol sa akin para ako kausapin…"

"Dati mong siyota ang lalaki. At malay naming kung may masama kayong binabalak kay Daddy."

"Anong masamang balak?"

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa!"

Pakiramdam ko, kumukulo ang aking dugo. (Itutuloy)

ALAM

ANONG

BIGONG

BINALIGTAD

DATI

GULAT

HUWAG

ITUTULOY

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with