Darang sa Baga (Ika-93 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

EKSAKTUNG-EKSAKTO ang pagpasok ng kot-seng minamaneho ni Jen habang kinakausap ako ni Carlo. Nakatingin si Jen nang makahulugan sa akin. Ang mga mata’y biglang tumalim saka itinuloy ang kotse sa basement.

"Mahal pa rin kita Nena... kahit na iniwan mo ako, mahal pa rin kita!" sabi ni Carlo.

"Hindi na kita mahal Carlo."

"Maawa ka naman sa akin Nena. Hirap na hirap na ako."

Akma akong hahak-bang pero iniharang ni Carlo ang katawan.

"Gusto mong tawagin ko ang guwardiya?"

Napaatras. Natakot sa banta ko.

"Maawa ka naman sa akin Nena."

Hindi ko siya tiningnan. Humakbang ako. Tangka niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis kong naiiwas iyon. Tangkang sumabay sa aking paglalakad pero tinawag ko ang guwardiya. Mabilis namang nakalapit ang guwardiya. Saka lamang umalis si Carlo. Parang sinibat sa pag-alis.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator patungo sa aming unit sa third floor.

Pagdating ko sa itaas ay naroon na si Jen. Nakatayo sa may pintuan ng aming unit. Ako ang hinihintay. Nasa mata ang pakikipagtuos.

"Ang kapal ng mukha mo, nag-iisa ang daddy ko e iniwan mo para makipag-usap sa lalaki. Hintayin mo namang ma-matay ang daddy ko bago ka gumawa ng apoy!"

Tila nawala ako sa katinuan ng sandaling iyon at nasampal ko si Jen.

Gumanti rin siya ng sampal. (Itutuloy)

Show comments