Darang sa Baga (Ika-89 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

YON ang unang pagkakataon na nakita kong lumuha si Fil. Masyado na ang pagkaawa sa sarili na pinalubha pa nang hindi pagdalaw ng dala- wang anak. Malaki ang sentimiyento lalo pa kay Jen.

"Sabi mo sa akin noon huwag akong iiyak e ba’t ikaw umii-yak din…"

"D-di n-naman a-ko u-umiiyak."

"Hindi umiiyak e ayan at may luha sa pisngi mo…"

"L-lumuluha lang, h-hindi u-umiyak…"

"Ganoon din iyon."

Niyakap ko si Fil.

"Huwag ka nang lumuha. Kahit na hindi ka iniintindi ng dalawang anak mo, narito naman ako."

"K-kaya n-ga sabi ko, w-wala na a-akong p-pakialam sa-sa kanila. Ta-tayong da-dalawa na lang Nena."

"Oo, tayong dalawa na lang. Hnidi kita iiwan kahit anong mangyari."

Mahigpit ko siyang niyakap. Totoo ang sinabi ko kay Fil. Hindi ko siya iiwan…."

"Ka-kapag na-namatay ako, m-mag-asawa ka N-nena…"

"Huwag kang magsalita ng ganyan, Fil! Magagalit ako."

"B-biro lang…"

"Masamang biro ‘yan…"

Pinisil ni Fil ang palad ko.

(Itutuloy)

Show comments