Darang sa Baga(76)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

IMPOSIBLE nang maibalik ang dating kalusugan ng isang nagka-brain attack. Alam ko sapagkat mayroon kaming kapitbahay noon na na-stroke rin at namatay na ang kalahating katawan. Nawalan na ng silbi. Hindi na makalakad at nasa wheelchair din at naging pasanin ng pamilya. Hindi nakatagal sa ganoong sitwasyon at nagpakamatay ang aming kapitbahay. Ayaw maging pasanin ng pamilya.

Naisip ko ang ganoon kay Fil. Pero hindi naman marahil makaiisip ng ganoon si Fil sapagkat malaki ang takot niya sa Diyos. At kumpara naman sa ibang na-stroke na hindi halos makapagsalita, mas okey ang kondisyon ni Fil sapagkat nakapagsasalita siya medyo ngamol at utal nga lang. At alam ko rin na magiging bilanggo na siya sa wheelchair. Mabuti nga sabi ng mga doktor at naisugod agad sa ospital kung hindi ay magi-ging gulay na si Fil. Brain dead na.

"M-malakas a-ang p-akiramdam k-ko ga-galing ako N-nena. A-no sa palagay mo?" tanong niya sa akin habang pinaliliguan ko. Nasa banyo kami. Ipinapasok ko ang wheelchair sa banyo at doon ko binubuhusan habang nakaupo.

"Oo. Gagaling ka," sagot ko para palaka-sin ang kanyang loob.

"K-kasi w-wala rin p-alang silbi pag-dating s-a s-ex ang katulad k-kong na-stroke…"

Hindi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko ang paliligo sa kanya. Sinabon ko ang kata- wan. Nadako sa kanyang "Peter". Sinabon ko nang husto si "Peter".

"W-walang pakiramdam talaga, N-nena."

"Babalik din ang pakiramdam nito…" sagot ko at lalo pang pinagbuti ang pagsabon kay "Peter". Baka sakaling magising.

Pero wala talaga. Apektado ng sakit.

(Itutuloy)

Show comments