^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-47 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

ALAS-dos ng hapon kami dumating sa Pinamalayan. Walong oras ang biyahe mula Maynila. Sa Batangas kami sumakay ng Ro-Ro. Isinakay namin ang sasakyan ni Fil. Pagkalipas ng dalawang oras, nasa Calapan City pier na kami. Mula sa Calapan ay biyahe uli. Maganda ang kalsada. Asensado ang Oriental Mindoro. Tatlong oras ang biyahe bago kami nakarating sa Pinamalayan.

Tama ang sinabi ni Fil. Maganda ang Pinamalayan resort. Kahit na hindi pa ako nakararating sa Boracay, tila kasingganda nga dahil sa malinis at puting buhangin.

Inokupa namin ang isang cottage. Kumpleto roon. May tulugan, kitchen at may cable TV.

"Bumili muna tayo ng mga kakainin natin sa palengke. Sariwang isda at pusit."

"Mukhang sanay na sanay ka nga rito, Fil."

"Madalas nga kami rito. Hindi ko na mabilang. Mawiwili ka talaga. Lalo na mamayang gabi kapag nakita mo sa dagat ang mga ilaw na mula sa mga mangingisda."

Malinis ang palengke sa Pinamalayan. Pawang sariwa ang mga isda at iba pang lamandagat. Napansin kong mababait ang mga tao. Magagalang.

Nang gumabi ay napatunayan ko ang sinabi ni Fil. Matapos naming maligo sa dagat dakong alas singko ng hapon ay magka-tabi kaming nakaupo sa balkonahe ng cottage. Mula roon ay tanaw namin ang dagat na unti-unting kinakain ng dilim. At habang papatakas ang liwanag, naririnig namin ang mga motor ng bangka na patungo sa laot. Maya-maya pa ay kumalat na ang dilim. Naglitawan ang mga ilaw ng bangka na parang mga alitaptap na nakatumpok sa dilim. Maligayang-maligaya ako sa pagkakataong iyon, Kung maaari ayaw ko nang matapos ang tagpong iyon.

(Itutuloy)

ASENSADO

BORACAY

CALAPAN CITY

MAGANDA

MANDALUYONG CITY

MULA

ORIENTAL MINDORO

PINAMALAYAN

SA BATANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with