"BAKIT Fil?" tanong ko nang mahalatang gustong umiwas ni Fil sa babaing makakasalubong namin habang palabas ng mall na iyon sa Ortigas. Napansin ko rin na parang nataranta si Fil.
"Ang anak kong bunso!" sabing tila nalilito.
"Bakit iiwasan mo?"
"Hindi pa ako handang ipakilala ka. Ayaw kong may masabi sa yong hindi maganda."
Nag-iba kami ng daan. Nakatago sa tagiliran ko si Fil na para bang dagang takot na takot makita ng pusa.
"Nasaan na?" tanong ni Fil na halata pa rin ang takot sa boses.
"Nakapasok na sa mall," sagot ko.
"Hayyy salamat!"
"Takot na takot ka."
"Ayoko kasing sumama ang loob niya. At isa pa, hindi ko kayang pigilan ang bibig niya kapag ."
"Kapag binangay ako?"
"Oo. Matapang kasi ang anak ko. At ayaw kong mangyari iyon dito sa karamihan ng tao."
"Maganda pala ang anak mo."
"Kamukha ng mommy niya. Dating beauty queen sa Maynila ang misis ko."
"Ilang taon na ang anak mo?"
"Twenty one."
"Matanda lang ako ng isang taon."
Nakarating na kami sa parking area ay halata pa ring balisa si Fil. Ano nga kaya kung nagkita ang mag-ama at nakita ako. Baka nga bangayin ako ng babaing iyon. Sosyalera pa naman. Tipong pranka. Matalino at kung ano ang maisip ay ginagawa. Paano kaya kung inaway ako?
Nasa sasakyan na ay yon pa rin ang nasa isipan ko. (Itutuloy)