^

True Confessions

Darang sa Baga (21)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

"PABORITO mo yata ang pelikula e aalis na tayo?" sabi ko nang akmang tatayo na si Mr. Reyes.

"Mas may maganda akong panonoorin…" sagot niyang sa himig nagbibiro. Kung kanina ay halata kong natotorpe nga-yo’y hindi na.

"Ipakita mo sa gawa hindi sa salita," sabi ko.

"Ipakikita ko mamaya at humanda ka."

Tumayo siya. Tumayo rin ako. Hinawakan ang kaliwang kamay ko at lumakad kami.

Nang makalabas kami ng sinehan ay sinigurado niya kung gusto ko na ba talagang sumama sa kanya.

"Sasama ba ako sa iyong manood ng sine kung hindi ko gusto?"

"Kasi’y napansin ko kanina sa loob na malalim ang iniisip mo."

"Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin kapag sumama sa iyong ngayong gabi…"

"Kung ganoon, halika na para malaman mo…"

Nang nasa kotse na kami ay saka lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob tanungin kung saan niya ako dadalhin. Ang alam ko, sa motel niya ako dadalhin katulad ng ginagawa ng ibang lalaki. Pero bakit iba ang tinutungo ng kotse. Patungo kaming Novaliches.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

"Sa bahay ko."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

HINAWAKAN

INIISIP

IPAKIKITA

IPAKITA

MANDALUYONG CITY

MR. REYES

NANG

TUMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with