Darang sa Baga (7)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

GUSTO ko pero natatakot ako.

"Kakain lang naman tayo. Anong masama kung may makakita. Wala ka namang asawa."

"Ikaw Sir, meron…"

"Wala akong asawa."

"Owws."

"Biyudo ako. Limang taon na."

"Huwag mo akong biruin Sir."

"Hirap sa’yo porke nakikipagbiruan ako e lahat nang sabihin ko biro…"

"Kasi’y wala sa mukha mo na biyudo ka, Sir…"

"Biyudo nga ako. Namatay ang misis ko dahil sa cancer sa suso."

"Hindi ka na nag-asawa?"

"Hindi na."

"Nakatiis ka sa loob ng limang taon na walang ano…?"

"Siyempre hindi. Maramin namang GRO…"

"Ba’t di ka humanap nang mapapangasawa?"

"Ayoko."

"Bakit?"

"Basta… o ano kain tayo mamaya?" Sabi at lumapit sa mesa ko. Umupo sa gilid.

"Bahala na Sir…"

"Sige na. Sandali lang naman…"

Parang gusto ko pero natatakot ako.

(Itutuloy)

Show comments