Unti-unting pinapatay ang aming kapatid (Ika-24 na Labas)
September 10, 2005 | 12:00am
EDITORS NOTE: Ito ay kuwento ni Mrs. Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na matagal na nagturo sa Wisconsin, USA. Nagkaasawa si Azucena sa gulang na 54. Ikinasal siya kay Dr. Benjamin Victoria, isang ob-gyne na nakilala niya sa Winsconsin noong 1990.
Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa sa mga caregiver na nagngangalang Shirley Elnar.
Nagsampa ng petisyon sa Korte ang walong kapatid ni Azucena upang ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.
Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang pangyayari sa buhay ni Azucena makaraang dumulog ang isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kaawa-awang kalagayan.
Narito ang pagpapatuloy ng kasaysayan ni Azucena.
HINDI nga napigil ang pagpapakasal ni Azucena kay Dr. Victoria. Ikinasal sila noong July 5, 1990 sa Milwaukee, Wisconsin.
Bago naging mag-asawa ang dalawa, marami nang naipundar na ari-arian si Azucena at kabilang dito ang parcel ng lupa sa Wisconsin na malapit sa isang swamplands. May pension siya at investments sa ibat ibang firms na may estimated value na hindi kukulangin sa $10,000.00.
Sa malaking pension at investments ni Azucena nanggaling ang kanilang ikinabubuhay na mag-asawa mula nang sila ay ikasal.
Kahit na nakasal na ang dalawa, patuloy pa rin namang palaisipan pa rin sa mga kapatid ni Azucena ang naging desisyon niyang mag-asawa sa kabila ng katandaan pinalipas muna ang maraming taon. Imposible ng magkaanak sapagkat may edad. Naisip din naman nila na bakit ang kapatid nilang si Azucena ang nagustuhan ni Benjamin gayong matanda na ito. Maaari namang pumili nang mas bata. Palaisipan sa kanila iyon. Ganoon man, iginalang nila ang desisyon ng kapatid. Naisip din naman nila na baka nga kay Benjamin maligaya si Azucena.
Noon ay nasabi sa kanila ni Azucena na sa Wisconsin na talaga ito mamamalagi at wala sa isip na magbalik sa Pilipinas. Mas gusto niya ang buhay sa US kaysa sa Pinas. At labis silang nagtaka kung bakit naisipan nitong magbalik-Pinas at doon manirahan kasama ang asawa. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended