Unti-unting pinapatay ang aming kapatid (Ika-22 Labas)
September 8, 2005 | 12:00am
EDITORS NOTE: Ito ay kasaysayan ni Mrs. Azucena Victoriano-Victoria, isang retired teacher. Inatake ng aneurism si Azucena noong 2003 at na-comatose. Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng asawa niyang Dr. Victoria. Subalit noong August 2004, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa sa mga caregiver.
Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang kasaysayan ni Azucena nang lumapit sa aming tanggapan ang isang malapit na kaibigan ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.
Narito ang karugtong ng kasaysayan ni Azucena.
MAGKATULAD ang hilig nina Azucena at Dr. Benjamin Victoria ang mag-videoke. At ang pagkikilalang iyon sa isang pagtitipon sa komunidad ng mga Pilipino sa Wisconsin noon ay lumalim. Hanggang sa matuklasan na lamang ng dalawa na nagkakamabutihan na sila.
Limamput dalawang taong gulang na si Azucena nang magkakilala at magkamabutihan sila ni Benjamin noong 1990. Limamput isang taong gulang naman si Benjamin. Ipinanganak si Azucena noong August 16, 1938 at si Benjamin noong March 27, 1939.
Ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ni Azucena mula nang makilala at umibig sa doctor na si Benjamin ay nakapagbigay naman ng pangamba sa mga kapatid ni Azucena. Pangamba sapagkat alam nila kung ano ang background ng buhay ni Benjamin. Hindi sila makapaniwala na ang kanilang kapatid na si Azucena na isang saradong Katoliko, mahusay at matalinong teacher ay iibig kay Benjamin na isang abortionist noong dekada 70 hanggang 80. Ang abortion ng mga panahong iyon ay legal sa ilang estado ng US kabilang ang Wisconsin. Pero nang magkaroon ng mga anti-abortion movement sa nasabing state, sumigla ang panawagan na itigil na ang masamang gawaing iyon. Bunga niyon, sinampahan siya ng kaso. Pero ayon naman kay Benjamin, ang kaso ay dinismis ng Korte Suprema. Hindi lubos maisip ng walong kapatid ni Azucena, dalawa pa rito ay mga madre na kung kailan nagkaedad ang kanilang kapatid ay saka makakaisip mag-asawa at ang nagustuhan pa ay isang abortionist.
Hindi nagkulang ang mga kapatid ni Azucena sa pagbibigay ng payo rito. Baka nalalabuan lamang ang kanilang kapatid at kailangang pagpaliwanagan. (Itutuloy)
Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang kasaysayan ni Azucena nang lumapit sa aming tanggapan ang isang malapit na kaibigan ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.
Narito ang karugtong ng kasaysayan ni Azucena.
Limamput dalawang taong gulang na si Azucena nang magkakilala at magkamabutihan sila ni Benjamin noong 1990. Limamput isang taong gulang naman si Benjamin. Ipinanganak si Azucena noong August 16, 1938 at si Benjamin noong March 27, 1939.
Ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ni Azucena mula nang makilala at umibig sa doctor na si Benjamin ay nakapagbigay naman ng pangamba sa mga kapatid ni Azucena. Pangamba sapagkat alam nila kung ano ang background ng buhay ni Benjamin. Hindi sila makapaniwala na ang kanilang kapatid na si Azucena na isang saradong Katoliko, mahusay at matalinong teacher ay iibig kay Benjamin na isang abortionist noong dekada 70 hanggang 80. Ang abortion ng mga panahong iyon ay legal sa ilang estado ng US kabilang ang Wisconsin. Pero nang magkaroon ng mga anti-abortion movement sa nasabing state, sumigla ang panawagan na itigil na ang masamang gawaing iyon. Bunga niyon, sinampahan siya ng kaso. Pero ayon naman kay Benjamin, ang kaso ay dinismis ng Korte Suprema. Hindi lubos maisip ng walong kapatid ni Azucena, dalawa pa rito ay mga madre na kung kailan nagkaedad ang kanilang kapatid ay saka makakaisip mag-asawa at ang nagustuhan pa ay isang abortionist.
Hindi nagkulang ang mga kapatid ni Azucena sa pagbibigay ng payo rito. Baka nalalabuan lamang ang kanilang kapatid at kailangang pagpaliwanagan. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended