Mga mata sa butas (Ika-71 labas)
July 9, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
NAKITA raw nina Mang Nado at Aling Ana ang nanay ni Pacita. Pero wala ang rapist na si Benjo. Maaaring hiwalay na raw. Nakadama ng galit si Pacita. Sana ay hindi na rin lumutang ang kanyang ina. Mas nadadagdagan ang sakit na nadarama niya kung patuloy na makikita ang ina. Ayos na ang buhay niya. Tahimik na namumuhay sa Maynila. Unti-unti nang nalilimutan ang masaklap na pangyayaring ang nanay din niya ang may kagagawan kung bakit siya na-rape ni Benjo. Kung hindi naka-live-in ng nanay niya si Benjo hindi mangyayari ang masamang bangungot sa kanyang buhay.
"Hindi na muna po ako uuwi rito sa San Pablo, Tatay Nado," sabi ni Pacita.
"Sige ikaw ang bahala. Mas mabuti ngang sa Maynila ka na magpirmi. Mas tahimik ang buhay mo roon."
"Hindi po sana ako uuwi rito kaya lamang nasasabik na ako sa inyong mag-asawa at ganoon din kay Lucia ."
"Salamat naman. Sana ay makatagpo ka na ng lalaking mapapangasawa mo "
"Siguro ay hindi muna ako mag-aasawa "
"Bakit naman?"
"Natatakot po ako. Baka iwanan lamang ako ng lalaki kapag nalaman ang nangyari sa akin."
"Hindi mo naman kagustuhan iyon. Mayroon bang babaing ginusto na ma-rape?"
Hindi nakapagsalita si Pacita.
Matagal ngang hindi umuwi si Pacita sa San Pablo. Nang mamatay si Aling Ana dahil sa cancer sa matris saka lamang siya umuwi. Hindi siya makapaniwala na mangyayari iyon sa matanda. Iyon pala ang dahilan ng hindi maampat na pagdurugo nito. Awang-awa si Pacita kay Mang Nado. Iyak nang iyak ang matanda. Si Lucia ay tulala. Hindi makapaniwala.
Sumunod na taon ay si Mang Nado naman ang namatay.
Awang-awa si Pacita sa kaibigang si Lucia. Halos nagkakapareho na silang dalawa. Wala nang mga magulang. Ang tingin kasi niya sarili ay higit pa sa ulila. May ina nga siya subalit wala namang kuwenta. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am