Mga mata sa butas (Ika-50 labas)

(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh,KSA)

"PACITA! Pacita!"

Tawag iyon ni Benjo. Kahit nasa kuwarto si Pacita ay dinig na dinig niya ang tawag nito. Magpapahilod na sa kanya si Benjo.

Nataranta na raw siya at hindi malaman ang gagawin. Nagsisisi raw siya kung bakit naka-"oo" rito kanina nang pakiusapan siya na hiluran.

"Pacita!" tawag pa ni Benjo.

"Sandali!" sigaw niya.

Bahala na raw. Siguro naman ay walang gagawing masama sa kanya. At saka bakit ba siya matatakot gayong mabait na ito sa kanya. Lagi siyang binibigyan ng pera at hindi na rin inulit ang paghipo sa suso at garter ng panty niya. Siguro’y hindi naman talaga sinasad-ya ang pagkakahipo roon.

Humakbang siya patungo sa pinto at lumabas. Bahala na.

"Pacita!"

"Nariyan na!"

Bumukas ang pinto ng banyo. Nakita niya si Benjo. Walang brief. Nakatalikod. Kita ang maumbok na puwit. Maputi. Ang hita at binti ay punumpuno ng balahibo.

"Pasok ka."

"Dito na lang sa may pinto Benjo..."

"Paano mo maaabot ang likod ko kung nandiyan ka?"

"Maabot ko," sabi niya. Iniiwasan niyang tingnan ang puwit ni Benjo.

"Eto ang panghilod o," sabi ni Benjo.

Inabot niya ang panghilod.

"Umisod ka pa nga rito sa loob Pacita…"

"Dito na nga lang…"

Tumalikod si Benjo.

"Dito sa parteng ito makati…" sabi at itinuro ang bahagi ng likod.

Sisimulan na niyang hiluran nang makarinig sila ng pagbubukas ng pinto. May dumating. Saka narinig nila ang boses.

"Pacita! Pacita!"

Ang kanyang ina. Bigla niyang nabiti-wan ang panghilod. Bumagsak iyon sa tiles ng banyo. Muntik tamaan ang hinlalaki ni Benjo.

(Itutuloy)

Show comments