^

True Confessions

Mga Mata sa butas (Ika- 16 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

ALIW na aliw ako sa pagsilip. Mas magandang panoorin ang "live" na paghahamok kaysa sa mga pelikulang triple X. Nakasasawa nang panoorin ang mga pelikulang bold na wala namang istorya at kangkangan kaagad ang ipinakikita. Walang kuwenta kung sa panonood ay makikita na lahat. Mas maganda kung unti-unti ang pag-aalis ng damit at ilalantad nang pira-piraso ang mga laman. Ganoon ang nangyayari sa pinanonood kong paghahamok ng mag-asawang Syrian.

Marami pang seremonyang ginawa ang mag-asawa. Halata ngang bagong kasal ang dalawa dahil hindi pa kabisado ang gagawin. Unti-unti ang ginawang paghuhubad ng babae. Nang mahubad ang abaya at ang pang-ilalim na damit ay naiwan lamang ang itim na panty at bra. Nanatiling nakaupo sa sulok ng kama. Tila nahihiya pa sapagkat magkakrus pa ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Kinausap ng lalaki. Pinatatanggal ang panty at bra. Ayaw pa. Para bang sinabing huwag magmadali. Pero dahil sa pamimilit ay sumunod din. Inalis ang bra. Lumantad ang nakatayong "papaya". Halatang wala pang pingas at wala pang gasgas.

Ang lalaki naman ang mabilis na naghubad. Hindi nagbi-brief ang lalaki at ang maluwang na salwal lamang ang suot. Bakat sa salwal ang itinatago ng lalaki.

Hanggang sa sabay nilang tanggalin ang mga natira pang damit sa katawan. Naalis ang panty ni babae at pati salwal ni lalaki. Lalo pa akong nanabik sa mga mangyayari sa mag-asawang Syrian. Inilapit ko pa sa butas sa dingding ang aking mga mata para makita nang husto ang napipintong paghahamok.

Panatag naman ang kalooban ko sapagkat nasa labas nga si Kabayan na nagsisilbing guwardiya sa labas. Hindi ako nag-aalalang mahuhuli.

Magkatabi na ang mag-asawa sa kama. Nagsimula na ang ritwal. Para akong sinisilaban. Hindi ko maipaliwanag ang kasabikan.

Matagal ang ginawang ritwal. Ang akala ko ay tuluy-tuloy na ang paghahamok ng mag-asawang Syrian pero nagtaka ako nang biglang bumangon ang babae at nagbihis.

Nalaman ko ang dahilan: ayaw tayuan ang lalaki, Nakita ko ang nakalungayngay na Arabian horse. Kahiya-hiya ang nangyari. Nasa mukha ng babae ang malaking pagkadismaya.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BAKAT

BATAY

GANOON

HALATA

HALATANG

HANGGANG

INALIS

INILAPIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with