Ang kaaalanan ko kay Kuya Felife (Ika -52 labas)

"AYYY! Parang halik sa lola!" sabi at biglang nagtawa si Ate Tet.

Hindi naman ako makakilos. Ano ba itong gusto niyang mangyari?

"Gusto mo turuan kitang humalik?"

"Ate Tet…."

"O namutla ka na."

"Kasi’y ano.."

"Natatakot ka?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Nahihipnotismo na na naman ako. Natitigilan ako at parang may nakasakmal na kapangyarihan sa akin.

"Para kang bakla Jimpoy. Bakla ka ba?"

"Hindi Ate."

"Ba’t natatakot ka? "Hindi naman ako natatakot."

"Namumutla ka."

"Kasi’y naaalala ko si Kuya Felipe."

"Huwag mong alalahanin ‘yon."

"Bakit Ate?"

Biglang umiyak.

"Bakit Ate?"

Matagal bago sumagot. Nang sumagot ay nanginginig ang boses.

"Kasi’y may bago na siyang babae sa Saudi."

Hindi ako makapaniwala. Hindi magagawa ni Kuya Felipe iyon.

Baka nagbibiro lang si Ate Tet.

(Itutuloy)

Show comments