^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-37 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago ng awtor.)

IBA nga kung babae ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng lalaki. Palibhasa’y pareho kaming lalaki ni Kuya Felipe kaya walang pakialaman kahit na ano lang ang isuot gaya ng brief at medyas. Maski nga sa pagkain ay kung anu-ano na lang ang aming kinakain ni Kuya Felipe noon. Pero nang tumira sa amin si Ate Tet ay nabago ang lahat. Nagkaroon ng kaayusan sa aming bahay. Iba nga ang babae. Ngayon nga pati brief ko ay napalitan ng bago – dahil kay Ate Tet.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakasanayan ko na ang ganoon. Magsasaing, maglilinis ng bahay at kung may lalabhang damit ay gagawin. Pagkatapos ay maliligo. Kailangang maunahan kong maligo si Ate Tet sapagkat mabagal itong maligo.

Naalala ko ang binili naming brief kahapon. Iyon ang isusuot ko. Iyon ang utos ni Ate Tet. Itapon ko na raw ang lumang brief.

Mabilis akong natapos sa paliligo. Isinuot ko ang bagong brief. Nagbihis at kumain ng almusal. Nagto-toothbrush ako nang magising si Ate Tet.

"Kumain ka na?"

"Opo Ate."

"Yung bago mong brief ang isinuot mo?"

"Opo."

"Patingin."

Bantulot ako. Bakit kailangan pang pati yon ay tingnan.

"Huwag ka nang mahiya. Patingin kung bagay ang brief."

Sabagay ba’t ako mahihiya ay para ko na rin kapatid si Ate Tet.

Tinanggal ko ang siper ng pantalon ko at ibinuka, para makita ang brief.

"Wow bagay!" sabi at panakaw na tiningnan ang nakabukol sa harapan ko.

Hiyang-hiya ako. Mabilis kong itinaas ang pantalon.

"Yung medyas?"

"Suot ko na rin."

Saka lamang umalis sa harapan ko. Nagtungo sa banyo. Umihi. Narinig ko ang tila sipol na tunog.

Itutuloy

vuukle comment

ATE

ATE TET

BRIEF

IYON

KUYA FELIPE

MABILIS

OPO ATE

PATINGIN

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with