^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-31 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago ng awtor.)

 

HABANG tumatagal ay nagliliwanag sa loob ng sinehan. Nakikita ko ang pagdami ng tao. Nagkaroon kami ng katabi. Hanggang sa pawang mga ulo na ang aking naaninag sa harapan at tagiliran.

Nakahilig sa aking balikat si Ate Tet habang nanonood. Hinayaan ko. Gustong ipahinga ang ulo sa pagkakasandig sa aking balikat. Naisip ko, kami lamang yata ang tila mag-ina (alangan namang mag-ate) na nanood doon ng sine. Napansin kong mga magsiyota ang nanonood. Partner-partner.

Patuloy kami sa panonood. Walang kakibu-kibo si Ate Tet habang nakahilig sa aking balikat. Nasasamyo ko ang buhok niya. Amoy shampoo. Kung minsa’y kumikilos ang ulo at habang tumatagal ay bumibigat pero ayaw ko namang sabihin na nabibigatan na ako sa pagkakahilig niya. Hinayaan ko na. Tiniiis ko ang bigat.

Hindi naman siguro mangangalay ang aking balikat sa pagkakahilig niya.

Suspense ang eksena sa pelikula. Gabi at nagtatakbo ang isang babae habang may humahabol sa kanyang lalaki na may dalang palakol na may bahid ng dugo. Balak siyang patayin. Walang tigil sa pagtakbo ang babae hanggang sa isang bahay ang kanyang makita at pumasok doon. Nakasunod ang lalaking papatay. Hindi malaman ng babae kung saan pupunta, Pumasok sa isang kuwarto. Madilim at biglang nabuhay ang ilaw. Sindak ang babae sapagkat nasa likuran na ang lalaking may dalang palakol…

"Diyos ko! Takbo! Isara mong pinto," sabi ni Ate Tet at biglang napayakap sa akin. "Diyos ko!," sabi uling takot na takot.

Tawa ako nang tawa. Gustong manood ng katatakutan pero siya pala ang takot.

Inalis ang pagkakayakap.

"Grabe ang palabas na ito," sabi at ipinagpatuloy ang panonood. Pero nakahalata yata na nabibigatan na ako.

"Nangangalay ka na, Jimpoy?"

"Hindi Ate."

"Ganito kasi ako kay Ipe."

Napa-ah ako.

"Pero mas masarap humilig sa balikat mo. Mas malapad."

Napa-ah uli ako.

Hindi na nagsalita.

Hanggang sa mapansin ko ang mga parehang nasa tabi namin ay halikan nang halikan. Mayroon pa akong naaaninag na dinudukot ng lalaki ang boobs ng siyota.

vuukle comment

AKO

ATE TET

DIYOS

GUSTONG

HANGGANG

HINAYAAN

HINDI ATE

PERO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with