Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-10 labas)
July 23, 2004 | 12:00am
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. y sadyang binago ng awtor.)
SA isang dalawang palapag na style condominium na nasa gilid ng riles ng tren sa Antipolo St. Sampaloc, nakatira noon si Kuya Felipe. Iyon ay pabahay ng gobyerno sa ilalim pa ni Imelda Marcos. Inuupahan ni Kuya Felipe ang second floor. Ang may-ari ang nasa ground floor at sa itaas ay dalawang estudyanteng babae na nag-aaral sa UST. Nilalakad lamang mula roon ang UST.
Matagal na raw siya roon sabi ni Kuya Felipe. Nagustuhan niya sapagkat isang sakay lang mula sa kanyang pinagtatrabahuhan. Supervisor siya sa isang ospital sa QC sa supply section siya. Bukod doon, mabait din daw ang may-ari.
May sariling daan patungo sa second floor kaya hindi naiistorbo ang nasa ground floor. Ang dalawang estudyanteng nasa third floor ay kailangang dumaan sa second floor para makarating sila sa itaas.
May sariling banyo at kitchen sa inuukopa ni Kuya Felipe. May isang katamtamang kuwarto at may kapiranggot na sala na iyon din ang dining room.
"Diyan ka sa salas matutulog. Bukas bi- bili tayo ng tikluping teheras. Magtiis-tiis ka lang muna ha?"
"Okey lang Kuya Felipe. Kahit nga sa sahig ako matulog ayos lang."
"Huwag at baka mapulmonya ka."
"Ano po ang mga gagawin ko kapag wala kayo at nasa trabaho?"
"Ikaw na ang magluluto at maglilinis at saka maglalaba. Kaya mo?"
"Kayang-kaya ko kuya."
"Sa June eenrol kita diyan sa Ramon Magsaysay."
"Malapit lang dito Kuya?"
"Oo diyan lang sa España."
"Pagkatapos kong magluto at maglaba Kuya anong gagawin ko?"
"A kung wala ka nang magawa, bosohan mo na lang yung dalawang estudyante sa itaas. Ang gaganda nun," saka nagtawa nang nagtawa si Kuya. Hindi ko alam kung nagbibiro o totoo ang sinabi.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended