Laro sa Putikan (Ika-114 labas)
June 5, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
NATIGILAN ako. Narito na ang kinatatakutan ko. Biglang-bigla ang dating.
"Noong isang araw pa ako dumating," sabi ni Ate. "Ngayon lamang ako tumawag dahil hinintay ko pang umalis ang aking amo. Paano makapupunta sa ospital nyo?"
"A e mahirap pumuntang mag-isa rito lalot bago ka lang. Hindi mo pa kabisado."
"May kasama naman akong Pinay maid dito. Matagal na siya rito. Sa kanya ako magpapasama para makarating dyan."
Nagsinungaling ako na ipinagbabawal na ang bisita sa ospital. Naghigpit na.
"Mahigpit na ang admin kaya baka hindi ka papasukin dito?"
"Ano bang klaseng ospital yan?" sarcastic ang tanong nito.
"Naghigpit na kasi."
"Sa bahay mong tirahan. Di ba maaari namang magpunta ron."
"Malayo ang tirahan ko at mahirap hanapin."
"Hindi naman ngayon ako pupunta. Matagal pa."
"Tayo na lang ang magkita sa susunod na linggo."
"Saan?"
"Tatawagan kita. Huwag ka nang tumawag dito sa ospital ako na lang ang tatawag sa iyo. Ibigay mong number."
Ibinigay ni Ate pero sinabing sa tanghali ako tumawag sa kanya dahil sa ganoong oras ay wala na ang amo.
"Sige."
Sinabi ko kay Kuya Jeff ang pagdating ni Ate at ang pagpupumilit na pumunta sa ospital at sa aming tirahan. Hindi naman siya natakot pero isang desisyon ang ginawa para hindi mabuking ang aming "lihim".
"Babakasyon muna ako sa Pinas para iwas-gulo. Kung hindi niya ako makikita rito, walang iisipin."
"Mabuti pa nga," sagot ko.
"Kung gusto mo, e di sabay na tayong magbakasyon. Di ba matagal ka na ring hindi nakakapagbakasyon?"
Inisip ko iyon. Puwede nga. Maaari akong magbakasyon para makaiwas kay Ate.
"Pero nakapangako na ako na magkikita kami."
"Sana hindi ka na nangako. Magkakaroon lamang ng dahilan iyon para makapunta sa tirahan natin."
"Huwag na lang akong makipagkita?"
"Huwag na. Para ano pa?"
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended