Laro sa Putikan (Ika-92 labas)
May 14, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
PERO pagkatapos ng aming pagmamahalan, ang mga problema pa rin ang napag-usapan.
"Tiyak na pag-uusapan ako sa ospital dahil sa iyo," sabi ko habang nakaunan sa braso ni Kuya Jeff. "Tiyak na naitsismis na ni Remy ang mga sinabi mo,"
"Hayaan mo nga siya. Wala namang may alam dito na bayaw mo ako di ba?
"Meron."
"Sino?"
"Yung section head namin. Pero ewan ko kung natatandaan pa niya dahil two years na ang nakalilipas. Sa kanya ako nagpaalam nang susunduin kita sa airport noon."
"Narito pa siya ngayon?"
"Oo."
"Hindi na siguro niya natatandaan yun. Sa dami ng mga taong nakakausap niya baka hindi na maalaala na minsan ay humingi ka ng permiso sa kanya."
"Sana nga."
"Saka ngayon lamang naman ako nakita rito ng Remy na yon."
"Siguroy dito na uli siya nakatira. Baka nagbago na naman ng kabit."
"Bakit mo nga ba naging kaibigan ang Remy na iyon."
"Siya yung unang naging kakilala ko rito. Akala ko, okey na kaibigan hindi pala. Siya rin yung nagpakilala sa akin dun sa lalaking muntik na akong reypin."
"Yung naging siyota mo ba na nagpakamatay?"
"Oo. Yung sa akin isinisisi ang pagpapakamatay na ang dahilan naman palay may gustong takasang problema sa sugal."
Napailing-iling si Kuya Jeff.
"Huwag mo nang intindihin ang Remy na iyon," sabi niya.
"Gusto mo lumipat tayo ng tirahan?" sabi ko at hinaplos ko ang dibdib niya.
"Ikaw ang bahala. Kaso, hindi ako makakapag-share sa upa. Pinadadala ko ang aking suweldo pati sideline sa kapatid mo."
"Sinabi ko bang ikaw ang pagbabayarin ko ng renta?"
"Malaki rin ang renta pero kung gusto mo, sige lumipat tayo ng ibang bahay. Maghahanap ako bukas."
"Gusto ko yung medyo malapit lang dito sa ospital para hindi na ako napapagod. Lalo na kapag gabi ang aking duty."
"E paano kung makita rin tayo ni Remy?"
"Hindi naman siguro. Ang mahalaga nasa ibang bahay na tayo at hindi rito na maaaring masaliksik ang relasyon natin."
"Maghahanap na ako bukas para makalipat agad tayo," sabi ni Kuya Jeff.
"Sa isang taon kapag may nakaipon na ako bumili tayo ng kotse kahit na second hand. Katulad nung kotse ng kasamahan mo sa trabaho."
"Sige. Mahirap talaga kapag walang sariling sasakyan dito."
Naayos ang plano namin sa paglipat ng ibang tirahan.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended