Laro sa putikan (41)
March 22, 2004 | 12:00am
‘‘KAHIT paano, me part ka pa rin sa pagkamatay niya Jean,’’ sabi ni Remy pagkaraan. Kinukonsensiya na akong talaga ng babaing ito.
‘‘Huwag mo nga akong maisama-sama diyan Remy. Baka ako pa ang damputin ng pulis dito.’’
‘‘Hindi ka ba naaawa man lang e naging siyota mo rin siya?’’
‘‘Siyempre naaawa pero may magagawa pa ba ako.’’
Saka lamang natahimik si Remy. Pero sa pagkakataong iyon ko nasubukan ang totoong ugali niya. Hindi ko siya dapat ituring na kaibigan o isang matandang kapatid. Hindi siya tapat na kaibigan.
Hindi agad naiuwi ang bangkay ni Kiko dahil masusing inimbestigahan ng mga pulis. Inalam kung may foul play. Maraming dinampot lalo pa ang mga kaibigan at ang kasama sa kuwarto.
Isang buwan ang nakalipas at napatunayang walang foul play. Talagang nagpakamatay si Kiko. Walang dapat sisihin. At ang lumabas na dahilan kung bakit nagbigti: Labis na kahihiyan dahil walang mai-produce na 10,000 riyals sa nanalo sa 3-digit lottery. Kubrador si Kiko ng Thai lottery, nakapagpatama ng 10,000 riyals pero wala palang pondo. Hindi akalain na may tatama ng ganoon kalaking halaga sa kanya. Mismong ang nanalo ang nagsabi kaya kumpirmadong iyon ang dahilan. Masyadong pinroblema ang pangyayari. Nakatanggap din umano ito ng pagbabanta kapag hindi naibigay ang napanalunan.
Lumantad ang katotohanang hindi ang nangyari sa aming dalawa ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay.
Naiuwi sa Pinas ang bangkay ni Kiko. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Nabunutan ng tinik sa pagkakalinis ng aking pangalan na alam kong pinagpistahan na sa ospital dahil kay Remy.
Pero nagkaroon na nang malaking lamat ang pagkakaibigan namin ni Remy. Ako na ang kusang lumalayo sa kanya. Ayaw ko na.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended