^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-14 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia.Ang ilang pangalan ng tao at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor).

NANG tumagal napansin kong naging nagger si Ate Cora kay Kuya Jeff. Kapag hindi nasunod ang kanyang gusto o utos ay agad sinisigawan si Kuya Jeffrey. Palibhasa’y walang trabaho at palamunin nina Papa at Mama ay ganoon na lamang kung pagsalitaan ang asawa.

Minsan ay lantarang pinagalitan sa harap ko. Parang maamong tupa naman na walang kaimik-imik si Kuya Jeff.

"Di ba sabi ko’y huwag mong hahaluan ng bawang ang sinangag at nasusuka ako. Hindi ka ba makaintindi?"

Ako ang nanliliit sa ginawang pagmumura ni Ate. Wala noon sina Papa at Mama sa bahay. Si Kuya Jeff ang nagluluto ng kanilang pagkaing mag-asawa. Ako naman ay bumibili na lamang ng biling luto. Nang mga panahong iyon ay wala kaming katulong sa bahay.

"Palibhasa’y bobo ka. Ulit-ulit huwag mong lalagyan ng bawang ang sinangag ha! Naiintindihan mo?"

Wala pa ring kaimik-imik si Kuya Jeff. Naaawa ako sa kanya.

Mabait talaga. Maraming beses nangyari iyon na sa harap ko’y walang patumanggang murahin ni Ate Cora si Kuya Jeff.

Minsan ay napaaga ako ng uwi sa bahay. Wala ang professor namin sa huling subject. Si Kuya Jeff lamang ang nasa bahay. Sina Papa at Mama ay nasa kani-kanilang trabaho. Naratnan kong pinatutulog ni Kuya Jeff ang anak.

Deretso ako sa kuwarto at natulog. Nang magising ay ipinasya kong mag-shower. Napansin kong wala si Kuya Jeff sa salas. Nahulaan kong nasa labas ito at bumibili ng sigarilyo. Naligo ako.

Mga ilang minuto na ako na nasa loob ng banyo at hubu’t hubad na naliligo nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Kuya Jeff na nanlalalaki ang mga mata sa pagkakatingin sa akin.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE CORA

JEFF

KUYA

KUYA JEFF

KUYA JEFFREY

MINSAN

NANG

SI KUYA JEFF

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with