^

True Confessions

Jamias (Ika-84 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

UNANG pagkakataon na nagkaroon ng award ang Station 11 na pinamumunuan ni Jamias. Isinabay nga iyon sa pagkakaloob sa kanya ng ‘Bayaning Pulis Award’ noong 1999. May premyong P20,000 para sa station.

"Malaking karangalan ito," sabi ni Jamias sa harap ng kanyang mga tauhan, "Pagbutihin pa natin para sa susunod na awarding, tayo muli," sabi ni Jamias.

"Sisikapin namin, sir," halos nagkakaisang sabi ng kanyang mga tauhan.

"Ipagkakaloob natin sa taumbayan ang pagsisilbi at protektang walang halong pagkukunwari. Pagbubutihin pa natin para lalo pang maging matiwasay at tahimik ang Chinese community."

At sa tulong ng kanyang mga tauhan, napababa nila ang insidente ng panghoholdap at iba pang krimen sa lugar na iyon. Naging matiwasay ang kalooban ng mga negosyanteng Tsinoy.

Nang mag-Chinese New Year noong January 2000 napanatili ang kaayusan at walang nangyaring kaguluhan. Masayang naiselebreyt ang New year ng mga Intsik

Hinawakan ni Jamias ang Station 11 sa loob nang mahigit isang taon. Pinamunuan niya iyon noong July 6, 1999 hanggang July 31, 2001. Kinabukasan, August 1, 2001 ay muli siyang inilipat ng puwesto. Muli siyang dinala sa Station 5 na kanya nang pinamunuan noong December 1998.

Mula sa Station 5 inilipat siya sa WDTEO bilang District Director. Mula roon, dinala siya sa Police Station 2 na sumasakop sa lugar ng Divisoria.

Sa Station 2 siya dinalaw ng sorpresa ni President Gloria Macapagal-Arroyo.

(Itutuloy)

BAYANING PULIS AWARD

CHINESE NEW YEAR

DISTRICT DIRECTOR

ELMER MEJORADA JAMIAS

JAMIAS

MULA

POLICE STATION

POLICE SUPT

STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with