Jamias (Ika-29 labas)
November 30, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
HALOS walang tulog si Jamias nang gabing iyon ng March 8, 1999. Pinag-iisipan niyang mabuti ang mga gagawin para mahuli na si Mike Ampuan alyas Macmod.
Nakaburol na ang kanyang dalawang pulis samantalang nasa ospital pa ang isang sugatan. Kanina, nang mapagmasdan niya ang mga mukha nina PO3 Chester Patagan at PO1 Arnel Abat sa loob ng kabaong, para bang nakikita niya ang kanyang kaibigang si Nestor na namatay noon matapos barilin habang naglalaro sila ng basketball sa Anak-Bayan, Paco. Wala pa ring ipinagkaiba ang noon at ngayon. Karahasan pa rin ang kanyang nakikita. Kaya siya nagpulis ay upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan pero mabibigo yata siya sapagkat maraming sumusulpot na hadlang sa kanyang daraanan.
Lumipas na ang mga gang war subalit mas matindi ang pumalit. Mas halang ang kaluluwa na hindi lumalaban ng parehas. Patraidor kung tumira. Laban ng isang duwag na si Macmod. Awang-awa siya sa mga naulila ng kanyang dalawang pulis. Kanina nang umiyak ang asawa at mga anak ng dalawang pulis, nagngitngit ang kalooban ni Jamias sa hayop na si Macmod.
Kinabukasan, March 9, 1999, dinalaw ni Jamias sa FEU Hospital ang inambus na si Chief Insp. Alonto. Kasama ni Jamias si Chief Supt. Fernandez. Sa pagdalaw na iyon lubusang nakumpirma ni Jamias na si Macmod ang umambus sa kanyang tatlong pulis.
Ang nakapagpatunay ay si Mrs. Farida Alonto, asawa ni Chief Insp. Alonto.
"Kilala ko siya. Kriminal siya sa aming probinsiya at sa Muslim Center sa Quiapo," sabi ni Mrs. Alonto.
"Sigurado ka ba na siya rin ang umambus sa mga bata ko," tanong ni Jamias.
"Oo, sigurado ako."
Nang araw ding iyon pinakilos ni Jamias ang kanyang mga assets at mga informant. Pinagana ang intelligence networking. Nalaman niya, madalas bumisita sa Juan Luna St. Tondo at sa Jacobo Street sa Malate.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended