^

True Confessions

'Mahirap' (15) - JAMIAS

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Commander)

PARANG hagdan ang anak ni Andoy. Anim lahat. Apat na lalaki at dalawang babae. Ang panganay ay 12-anyos marahil. Ang bunso ay nakita niyang tumutulo ang sipon.

"Iyan ang mga anak ko, Sir," sabi ni Andoy.

Nakatingin kay Elmer ang mga bata. Mga inosente na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanilang buhay. Hindi nila alam na muntik na silang mawalan ng ama kung hindi napagpaliwanagan kanina. Kung hindi napigilan, baka lasug-lasog na ang katawan ni Andoy dahil sa sagasa ng tren o dyipni.

"Sir, wala man lamang akong maipainom sa’yo kahit softdrink. Walang-wala kasi ako. Hindi naman kami makautang sa tindahan," sabing nahihiya ni Andoy.

"Okey lang. Eto pabili ka ng Coke," sabi ni Elmer at dumukot ng pera sa wallet. Iniabot kay Andoy. Tinawag ang panganay na anak.

"Bili ka ng Coke anak," utos dito at mabilis na umalis kasama ang mga kapatid.

"Anong ikinabubuhay n’yo Andoy?" pagkaraan ay tanong ni Elmer.

"Wala, Sir. Dati inilalabas ko ‘yung dyipni ng kumpare ko kaya lang pinagbili na. Wala na akong maekstrahan. Tapos nga, nagloko ang asawa ko… nawalan na ako ng pag-asa pa. Saan ako kukuha ng ipakakain dito sa mga anak ko? Masisira na yata ang ulo ko, Sir."

"Sabi ko nga sa’yo lahat ng problema e me solusyon. Dapat mong isipin na maraming bibig na uma-asa sa iyo. Kung natuloy ang balak mo kanina, sinong magpapakain sa anim mong anak," may diin sa salita ni Elmer.

"Hirap na hirap na kasi ako Sir," sabi at gusto na namang umiyak si Andoy.

"Sige huwag kang mag-alala. Tatawagan ko ang isa kong kaibigan at tatanungin ko kung kailangan niya ng messenger o janitor," sabi ni Elmer.

"Talaga, Sir?" kumislap ang mga mata ni Andoy.

Tumango si Elmer.

"Puntahan kita dito bukas," sabi niya.

Sa pagkakataong iyon nakita niya sa unang pagkakataon na nagliwanag ang mukha ni Andoy. Para bang nawala ang mabigat na dinadala sa isipan. Nabunot ang tinik na nasa sa dibdib.

(Itutuloy)

ANAK

ANDOY

ANONG

ELMER

ELMER MEJORADA JAMIAS

POLICE SUPT

SIR. DATI

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with